Michael V. reacts to Vice Ganda's "GMA is where you belong" joke

IMAGE Rommel Gonzales

Michael V. on network transfer: "Siguro pag naghanap ka ng dahilan para lumipat, makakahanap at makakahanap ka. Pero pag naghanap ka ng dahilan para mag-stay, hindi ka na aalis."


Tinatawanan lang ng Kapuso comedian na si Michael V. ang ginagawang pagkukumpara ng ilang netizens sa kanila ng Kapamilya comedian na si Vice Ganda.

May netizens kasing nang-bash kay Vice dahil sa biro nitong “If GMA is where you belong, bakit sila nagsisilipat?” bilang pagtukoy sa Kapuso stars na lumipat sa bakuran ng ABS-CBN.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda pokes fun at GMA-7 slogan
Vice Ganda pokes fun at GMA-7 slogan "Where you belong"
Exec on Vice Ganda joke about GMA slogan
Exec on Vice Ganda joke about GMA slogan "Where you belong"

Ayon sa iba, kahit nangungunang komedyante si Michael V. sa Kapuso network ay never itong nanlait o nandamay ng iba para lamang magpatawa.

Natatawang sabi ng Pepito Manaloto star tungkol dito, “Ang hirap naman din kasi sa social media, parang lahat nagiging critic, lahat nagiging authority.

“Lahat nabibigyan ng karapatan na magsalita.”

Pero siya ang pinuri sa mga komento sa social media tungkol sa isyung ito.

“Well, salamat, oo, nandudun na ako,” sambit ni Michael V.

“Siyempre hindi ko naman maiaalis yun, dahil siguro nakikita nila yung loyalty, nakikita nila yung brand of humor.

“Pero Vice Ganda is Vice Ganda rin naman.

“Na nakilala natin siya sa ganung style, hindi natin maiiwasang…

“Hindi natin siya mapipigilan kung gusto niyang magsalita ng ganun, kasi may karapatan din naman siya to express, kung papa’no yung style niya ng pagpapatawa.”

Patuloy niya, “Tsaka I’m sure hindi niya naman mini-mean talaga, hindi niya gustong manakit nung binitiwan niya yung salitang yun.

“E, much as hindi kami close ni Vice, at hindi naman kami nagkakasama sa trabaho, I’m pretty sure maganda yung dahilan niya. Hindi masama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michael sa taping ng Kapuso comedy series na Pepito Manaloto, sa Casa Milan Village, Quezon City, noong August 10.

NETWORK TRANSFER. Ano ang reaksiyon ni Michael V. kapag may mga artistang lumilipat ng TV network?

Natatawang sabi ng Kapuso comedian, “Ano kasi… ano, e, parang hindi rin ako authority sa pagsasalita ng ganyan, kasi nanggaling din ako ng ABS!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lumipat ako ng Channel 5, lumipat ako ng Channel 7.”

Ang ABS-CBN game show na Ready, Get Set, Go! ang unang show ni Michael V.

Napunta siya sa bakuran ng TV5 noong 1994 nang gawin nila ni Ogie Alcasid ang gag show na Tropang Trumpo.

Pero noong 1995 ay lumipat sila sa bakuran ng GMA Network.

Patuloy ni Michael V, “Dito ako nagtagal, ilang years na ang Bubble Gang? Magtu-twenty-two [years] na ako sa GMA.”

Bakit siya loyal Kapuso for more than 22 years?

“Ang hirap sagutin ano?” tawa niya ulit.

Pero seryoso niyang dagdag, “Kasi hindi ko masabing suweldo lang, e.

“Hindi naman yun, e, malalim na yung ano, e…

“Malalim na yung dahilan, na hindi na ako makahanap ng dahilan para umalis.

“Napagpapasensiyahan ko na yung mga problema… tumanda na siguro ako!

“Nag-mature kasi siguro ako sa GMA—career-wise tsaka personally.

“Spiritually rin, kaya parang pagka may mga problema, alam kong puwedeng maayos, hindi kailangang lumipat kaagad, hindi kailangang humanap ng dahilan.

“Siguro pag naghanap ka ng dahilan para lumipat, makakahanap at makakahanap ka.

“Pero pag naghanap ka ng dahilan para mag-stay, hindi ka na aalis.”

MISSING OGIE. Nami-miss na raw ni Michael V. si Ogie, matalik niyang kaibigan at kasamahan noon sa Bubble Gang.

Nasa ABS-CBN na ngayon si Ogie pagkatapos lumipat sa TV5 mula sa GMA-7.

Nagkasama sina Michael V. at Ogie kamakailan sa kasal nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan.

Napagkukuwentuhan daw nila ang buhay-buhay, lalo na’t magkapitbahay lang sila.

Ano ang napag-uusapan nila?

Ayon kay Michael V., “Yung satisfaction na nakukuha.

“Siyempre siya, siya satisfied naman siya sa nangyari dun sa…

“Nung time yata kasi na kinukuha siya ng GMA, iba yung hinahanap niyang programa.

“Ibang klase, ibang type of program, na at that moment hindi maibigay ng GMA, naibigay ng ABS.

“Kaya I respect his decision.”

Siya ba ay tinanong ni Ogie kung bakit hindi siya umaalis sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Michael V., “Hindi, hindi naman.

“Nung time na yun na nasa Channel 5 siya, siya yung parang naging daan kung bakit nakagawa ako ng show sa Channel 5, na naging kontrobersiyal din dahil sabi ng iba, lilipat na raw ako sa Singko.

“Lahat naman kako napapag-usapan nang maayos.

“Isa pa yun sa magandang bagay sa GMA.”

Ginawa ni Michael V ang programang Killer Karaoke Pinoy Naman para sa TV5 mula 2013 hanggang 2014.

Pinapayagan ng GMA-7 sa ibang istasyon ang kanilang mga artista?

“Oo, basta maayos, maayos ang pag-uusap,” sabi ni Michael V.

“E, parang ang ABS, hindi sila open sa ganung…

“I’m sure, kung halimbawang magkaroon ng opportunity na gumawa ako ng show sa ABS, if ABS-CBN doesn’t mind me working with them and GMA at the same time, I’m sure papayag din ang GMA.

“Hindi magkakaroon ng problema basta mapag-usapan nang maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN