Vice Ganda on GMA slogan joke: "Gustung-gusto naman ng mga tao 'yang mga shady comments."

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Vice Ganda, gusto ng mga Pinoy ng "shady comments" sa kanyang mga biro. Ito ay kaugnay ng viral niyang joke sa It's Showtime na, "Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba't sila naglilipatan?"


Naging trending topic sa social media ang birong ito ni Vice Ganda sa "Miss Q and A" segment ng It’s Showtime: “Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba’t sila naglilipatan?”

Ang tinutukoy rito ni Vice ay ang tila sunud-sunod na paglipat ng dating Kapuso stars sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero biro lang ito ng comedian-TV host sa mga contestant na sumasalang sa question-and-answer portion ng nasabing segment bago niya ibato ang totoong katanungan para sa kanila.


Stories We Are Tracking

Vice Ganda pokes fun at GMA-7 slogan
Vice Ganda pokes fun at GMA-7 slogan "Where you belong"

Ayon kay Vice, gusto ng mga Pinoy ang ganitong “shady comments.”

“Naku, gustung-gusto naman ng mga tao ‘yan.

"‘Yang mga shady comments, gustung-gusto nila ‘yan,” pahayag ni Vice nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening ng District 8 Gastropub sa Greenhills, San Juan, kagabi, August 17.

Hindi naman pinatulan ng GMA executive na si Ms. Lilybeth Rasonable ang biro ni Vice dahil paraan lang daw ito ng komedyante sa pagbibigay ng joke.

Tinawanan lang din ng Kapuso comedian na si Michael V. ang birong ito ni Vice.


Stories We Are Tracking

Exec on Vice Ganda joke about GMA slogan
Exec on Vice Ganda joke about GMA slogan "Where you belong"
Michael V. reacts to Vice Ganda's network-transfer joke
Michael V. reacts to Vice Ganda's network-transfer joke


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN