James Yap reacts to Kris Aquino's allegations of child neglect

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay James Yap, ginawa niya lahat ng effort upang mag-reach out sa anak niyang si Bimby ngunit wala raw nangyari. Ito ang sagot niya sa akusasyon ng ex-wife na si Kris Aquino na hindi raw siya nag-effort upang makilala nang husto ang kanilang anak. 


Sumagot si James Yap sa mga naging birada ng ex-wife nitong si Kris Aquino ngayong Sabado, August 19.

Nagngingitngit si Kris sa dating asawa dahil sa panayam nito sa ilang media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa opening ng pagmamay-aring gastropub ni James sa Greenhills, San Juan City.

Naungkat sa interview na walong buwan na raw hindi nakikita ni James ang anak niyang si Bimby, at hindi rin daw natutupad ang kanyang visitation rights sa anak.

Ayaw na raw niya ipagsiksikan ang sarili dahil parang nagsasawa na siya sa kakasuyo kay Bimby.


Stories We Are Tracking

James Yap strongly feels that son Bimby does not like him
James Yap strongly feels that son Bimby does not like him

Dahil sa kanyang rebelasyon, bumuwelta si Kris kay James sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post.

Ayon kay Kris, hindi naman nag-effort ang ex-husband upang lalong makilala ang kanilang anak.

Hindi rin daw ito nagbibigay ng sustento, at matagal na raw mula noong huli itong tumulong sa kanya sa pagbayad ng tuition ng anak.

Binalaan pa niya ang dating asawa na huwag gamitin ang kanilang anak para sa publicity ng bago nilang bar.

Bukod kay James, part-owners din ng District 8 ang ilang showbiz friends niyang sina Vice Ganda at Daniel Padilla.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino to James Yap:
Kris Aquino to James Yap: "Stop using Bimb for publicity."

#RESPETO. Sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang nang-bash sa kanya sa social media, isa-isang nilinaw ni James ang mga ibinato sa kanya ni Kris.

Isa na nga rito ang tungkol sa “hindi pag-effort” sa pag-reach out sa kanilang anak.

Ayon sa isang Instagram user na may handle name na @near24_2017, para raw tanga si James sa sagot niya sa interview ng PEP.

Sagot ni James, sana magkaroon ng respeto ang netizen sa kanyang kapwa.

Sinabi rin nitong ginawa niya lahat ng effort, pero wala raw nangyari.

Narito ang kanilang sagutan:



Ayon naman sa isang user na may handle name na @rosaliellarves, baka raw pinansiyal ang ugat ng lahat.

Sagot ni James, paano naman daw siya magbabayad sa tuition ng anak kung bigla itong inilipat ng ibang school nang hindi man lang ipinaalam sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi na sumagot si James sa iba pang bashers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN