Sofia Andres hits basher who called her "papansin" and her tweets "wrong grammar"

IMAGE Instagram @iamsofiaandres

Sofia Andres to basher who disapproves of her as Diego Loyzaga's love-team partner: "People been telling me about what you said. you know what, i hope you're happy. im not forcing myself to you and to your idol."


Inalmahan ni Sofia Andres ang magkakasunod na tweets ng isang basher na diumano'y panay ang bilang sa pagkakamali niya.

Sa magkakasunod na tweets ng Kapamilya star kahapon, August 19, hinarap ni Sofia ang kanyang basher na diumano'y hindi pabor sa dalaga bilang ka-love team ng isang 'di pinangalanang aktor.

Hindi kaila sa mga tagasubaybay ng ABS-CBN afternoon soap na Pusong Ligaw na si Diego Loyzaga ang katambal ni Sofia roon.

Ayon sa 18-year-old Kapamilya actress, hindi niya ipinipilit ang kanyang sarili sa naturang basher at sa iniidolo nito.

Kaugnay nito, pinuna ng Twitter user na si @bryanxsantos ang umano'y pagiging “papansin” at “wrong grammar” ng English ni Sofia.

Hindi pinalampas ni Sofia ang pambabatikos ng naturang Twitter user.

DID SOFIA BLOCK DIEGO ON TWITTER? Balik-sagot ng Twitter user, mali ang anumang impormasyong nakarating kay Sofia.

Nagpatutsada rin si @jamesxbryan na hindi lang siya ang blinock ni Sofia sa Twitter kundi pati mismong ka-love team nito.

Sa huli, hindi na sinagot ni Sofia kung totoong blinock niya sa Twitter ang kanyang ka-love team. 

Humingi na lang ng pasensya si Sofia sa kanyang fans dahil sa pagsagot niya sa basher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN