Kathryn Bernardo shrugs off Team Daniel's loss at Star Magic All-Star game

IMAGE Noel Orsal

Kathryn Bernardo (shown with Daniel Padilla) doesn't mind Team Daniel's recent loss at the Star Magic All Star games: "Lahat naman gustong manalo pero di siguro meant ngayon. Di mo rin masisi kasi wala silang masyadong practice talaga, kasi puro taping yung team nila. Ang importante, nag-enjoy ang buong team."


Dalawang taon nang consistent na nanonood ng Star Magic All Star Game si Kathryn Bernardo para bigyang suporta ang rumored boyfriend na si Daniel Padilla at ang Red Team nito.

Kung nung nakaraang taon ay pinalad na manalo ang Team Daniel laban sa Team Gerald (Anderson), ngayong taon naman ay tinalo ng Team Gerald ang team ng kapareha ni Kathryn.

Kasabay rin ng pagkatalo ng Red Team ay ang pagkakapulikat ni Daniel at ang pagkakainitan nila ni JC de Vera sa court, na mabuti na lamang ay naawat kaya hindi nauwi sa gulo.

Ano ang naramdaman ni Kathryn nang nakita niyang napulikat ang kapareha at ang pagbabanggaan nina Daniel at JC sa hardcourt?

Aniya, “Kung ano yung napi-feel niya, pag nakita mo naman na naka-smile na siya, ibig sabihin ay okay na siya."

Pero nag-enjoy naman daw siya sa panonood ng laro.

“Super, lalo na yung last quarter, sumakit yung lalamunan naming lahat kaka-cheer, tapos nakahabol.

“It’s okay, 1-1 na, I’m sure may game 3 pa 'yan.

“Lahat naman gustong manalo pero di siguro meant ngayon.

“Di mo rin masisi kasi wala silang masyadong practice talaga, kasi puro taping yung team nila.

“Ang importante, nag-enjoy ang buong team.”

CONSIDERATE TO FANS. Samantala, naging viral kamakailan ang nangyaring pakikipagsagutan ni Daniel sa isang barangay tanod dahil sa ginawang paninigaw nito sa isang batang fan ng aktor sa set ng La Luna Sangre.

Depensa naman ni Kathryn, “Hindi na naman yun bago kay DJ, especially mga bata.

“Kahit naman sino, may tamang ways kung paano hawiin yung mga fans, patigilin.

“Puwede naman yun idaan sa mabuting usap.

“Ang alam ko, nag-usap naman sila, at least alam ng mga tanod na di naman okay yung ganun.

“Yung bata siguro, at least, di siya na-hurt.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN