Marco Gumabao says Paul Salas willing to apologize to Daniel Padilla

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Marco Gumabao, hindi na nila papatulang magkakaibigan si Paul Salas dahil may pinagsamahan din naman daw sila. Ito rin daw ang payo ni Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla na napikon sa tweet ni Paul.


Si Marco Gumabao ang unang nag-react sa tweet ng isang netizen na nagdi-dare kina Daniel Padilla at Paul Salas para sa isang basketball game match.

Ito ay matapos magkomento ni Paul sa Facebook ng: “Maglaro ka nalang ng lazer tag kung ayaw mo masaktan sa basketball."

Kaugnay ito ng aksidenteng pagkakatulak ni JC de Vera kay Daniel sa Star Magic All-Star Game sa Araneta Coliseum noong August 13.

Sabi ni Marco sa kanyang tweet: “Hahahahaha ano to game naman ako 5 on 5.. ikaw ba bro @patsugui? Kayo @PaulAndreSalas?”


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle

Bakit nga ba siya nag-tweet ng ganun?

Paliwanag ni Marco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, kasi, siyempre kaibigan ko si DJ, and I was just looking out for a friend.

“And kahit naman sino na may makikitang ganun ang nangyayari, idi-defend niya yung kaibigan niya.

"Anong kuwenta akong kaibigan kung hindi ko idi-defend yung kaibigan ko?"

Ano ang naramdaman ni Marco nang nabasa niya ang tweet ni Daniel kung saan hinamon nito si Paul sa isang basketball game?

“Ako naman, nagulat ako.

"Si Paul yun, e, kaibigan namin si Paul.

"Pero yung tweet ko nga, medyo patawa pa nga, e. Kaya nga parang pa-joke lang yung akin.

“Tapos sineryoso lang ng mga tao.

"Parang sabi ko... parang medyo mali nga rin na nag-tweet ako ng ganun. Kasi medyo iba ang tanggap ng tao.

"Pero for my purpose, parang nagpapatawa lang ako.

"Kasi, unang-una nga sa tweet ko, 'hahaha,' e. Maraming 'hahaha.'

“I think na-misinterpret lang ng mga tao."

Patuloy ni Marco, "Pero ako naman, nakausap ko si Paul that same night, and sabi ko sa kanya kung bakit nangyari yun, kung bakit niya tinweet yun.

“Sabi nga, ‘Oo nga, e, mali.’ Gusto na nga niyang mag-sorry.

"So, sabi ko, sa amin naman, wala naman yun.

“Kung gusto niyo maglaro, laro lang naman, wala namang masama sa laro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami naman, kaibigan ko naman si Paul, matagal na.

"So, kung iniisip ng mga tao na nag-aaway kami, hindi kami nag-aaway.

"Talagang wala, parang usapang lalaki."

Eksklusibong nakausap ng PEP si Marco sa grand opening ng District 8 Gastropub noong Huwebes ng gabi, August 17.

Isa ang kaibigan niyang si Daniel sa nagmamay-ari ng nasabing bar.

"HUWAG NA RAW." Ayon naman kay Daniel, hindi na niya papatulan si Paul.

Nag-tweet lang daw siya dahil nabastusan siya sa komento nitong kung ayaw niyang masaktan sa larong basketball, dapat daw ay lazer tag na lang ang nilalaro nito.


Stories We Are Tracking

Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul

Komento ni Marco tungkol dito, “Well, siyempre napag-usapan namin nung gabing yun.

"Sana naman, siyempre kapag nilalaro namin… lalabas rin na siyempre pinatulan namin.

"At kahit sabihin namin na laru-laro lang, iisipin ng mga tao na pinatulan namin.

“So, sabi namin, pabayaan na lang.

"Kaya nga hindi na kami sumagot sa mga tweet. Pinabayaan na lang namin.

"Sabi naman ni Tita Karla [Estrada, Daniel's mom] na huwag na raw, so nirespeto naman namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN