Kris Aquino still "on fight mode" over unresolved issue with ex-husband James Yap

IMAGE Facebook (Kris Aquino)

Kris Aquino is now on "fight mode." Regarding her recent issue with ex-husband James Yap, Kris said that she won't play dumb and weak.


Tila beast mode si Kris Aquino sa pagsagot sa netizens hinggil pa rin sa isyu nila ng dating asawang si James Yap.

Kaugnay ito ng naging pahayag ni James tungkol sa paglayo ng loob sa kanya ng anak nila ni Kris na si Bimby.

Nataon na ang interview kay James ay naganap sa opening ng kanyang business venture na gastropub.

Akusasyon ni Kris, ginagamit umano ni James si Bimby para i-promote ang kanyang negosyo.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino to James Yap:
Kris Aquino to James Yap: "Stop using Bimb for publicity."
James Yap strongly feels that son Bimby does not like him
James Yap strongly feels that son Bimby does not like him

Sa recent posts ni Kris, naging masipag ito sa pagsagot sa kanyang followers sa social media, kabilang na ang mga hindi pabor sa pagre-react niya sa pahayag ni James.

Isang netizen ang nagsabi kay Kris na huwag nang pumatol kay James.

Pero depensa ni Kris, hindi umubra ang kanyang pananahimik kaya, “So it's Kris on fight mode now.”



May isang netizen ang sinabihan si Kris na bakit hindi na lang gayahin si Jinkee Pacquiao na hindi basta-basta pumapatol sa intriga.

Sagot naman ni Kis, dahil ang asawa ni Jinkee na si Manny Pacquiao ay “changed man” at “true follower of God.”

Paalala pa ng isang netizen kay Kris, manahimik na lang siya at huwag patulan si James.

Sumagot si Kris na tatahimik lang siya kapag tumahimik si James.



Isa pang netizen ang nagsabi kay Kris na huwag itong mag-step down sa level ng ibang tao at manatiling classy.

Sagot dito ni Kris, “[N]amimihasa kasi pag hinahayaan. I learned something this week, I won't step on anybody-BUT I totally REFUSE to be stepped on anymore.”

Handa rin daw siyang lumaban kahit umabot ito sa usaping legal.

“I've said it in the past, Atty Sig Fortun is on retainer w/ me so I'm ready for any fight. After all, I am Cory's and Ninoy's daughter.”



Ani Kris, marami na siyang mga negosyong nabuksan subalit hindi niya kailanman pinag-usapan ang tungkol sa kanila ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sabi pa ni Kris sa isa niyang komento, ang pagiging ama ay isang responsibilidad.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN