Maja Salvador admits to dating a non-showbiz guy

IMAGE Noel Orsal

Maja Salvador admits she's dating a non-showbiz guy but refused to label their relationship, "Parang maaga pa para sabihin."


Hindi tulad ng dati, matipid na sumagot si Maja Salvador tungkol sa kanyang love life ngayon.

Sa panayam sa kanya ng Tonight With Boy Abunda kagabi, August 21, tinanong ang Wildflower star tungkol sa diumano'y relasyon niya sa isang non-showbiz guy.

Ang tanging sagot ni Maja, “I'm dating po.”

Hindi naman masabi ng Kapamilya actress kung nasa isang relasyon na siya dahil, aniya, “Parang maaga pa para sabihin.”

Sinagot din ni Maja ang bali-balitang hindi siya tanggap ng pamilya ng constant date niya.

Sabi ng aktres, “Hindi po totoo, and yung family, sobrang love ako nung family.”

Dagdag-paliwanag pa niya, “Siguro kasi matagal na po kaming magkaibigan, so parang ever since, part na din po ako noong family. Since high school pa po, e.”

Hindi tinukoy sa naturang interview kung sino ang lalaking idine-date ngayon ni Maja.

Siya pa rin kaya ang dati nang napabalitang madalas na nakaka-date ng aktres na nagngangalang Jack Cruz?

Ilang larawang magkasama sina Maja at "Jack Cruz" ang lumabas sa social media ngayong taon.

Narito ang ilan sa mga litrato na kumalat sa social media:



Gayunman, nananatiling tikom ang bibig ng aktres tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN