Lovi Poe on relationship with boyfriend Chris Johnson: "In every aspect, okay."

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe is enjoying her relationship with French businessman Chris Johnson, she tells why: "Nagkakaintindihan kami… we're like we're best of friends. Prangkang tao, straightforward. I wish I would be more like him."

 


Nakatakdang lumipad si Lovi Poe sa Paris, France sa katapusan ng Agosto para magbakasyon.

Magkikita sila roon ng boyfriend niyang si Chris Johnson.

Sabi ng Kapuso actress, “Nasa Europe siya ngayon, sayang nga na-miss niya itong premiere night, e, di sana, nakilala niyo na siya.”

Ang tinutukoy ni Lovi ay ang premiere ng pelikula nila ni Vhong Navarro na Woke Up Like This, na ginanap ito sa Cinema 7 ng SM Megamall noong August 21.

Kumusta ang estado ng relasyon nila ni Chris?

Sagot ng 28-year-old actress, "Good, good! Everything is going so well. Parang in every aspect, okay."

Si Chris ay Filipino-French, kaya nabanggit kay Lovi na mukhang mas okey kung ang karelasyon niya ay isang foreigner.

Pagtanggi niya, "Hindi naman, I can't compare.

"A man will always be a man. They're all different.

"Besides, yung characteristics ng culture... kasi nga he's also an expat, so meron din siyang Filipino values.

“Nagkakaintindihan kami… siguro in terms of adjustments, I mean, we're, like, best of friends.

“Prangkang tao, straightforward, na parang, 'Teka muna.'

"So, I'm willing to be that way, I mean I wish I would be more like him.

"I'm so afraid kasi to hurt other people. I'm so careful.

"Yung parang sugar-coatings, instead of saying things na alam mo na, I would say it in a nice way.

"He's very straightforward and I'm beginning to learn that way."

NO WEDDING PLANS. Ayon pa kay Lovi, wala silang conflict ni Chris sa pagiging active niya sa showbiz.

Saad niya, "Curious siya. Pero he would just allow me to be me.

"Kumbaga, hinahayaan niya ako to be in my world.

“Private pa rin siya, nahihiya siya.

"Kung nandiyan naman siya, he just lets me to be me."

Pakiramdam ba niya ay mas tatagal sila ni Chris kaysa sa kanila noon ni Rocco Nacino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting tugon ng Kapuso actress, "Only time can tell.

“Every time naman, we always think na things will turn out well... I really don't know."

Halos lahat ng kanyang showbiz friends ay lumagay na sa tahimik, kailan naman siya?

Sabi ni Lovi, “Wala pa, malayung-malayo pa ako.

"I'm still in my 20s, so enjoy pa ako. Malayo pa talaga 'yan sa timeline ko.

"Ano rin kasi, iba rin yung age namin, yung friends ko.

"I'm getting wiser, that's why I know."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN