Will Devaughn on girlfriend Roxanne Barcelo: "I know in my heart that she's the one."

IMAGE Noel Orsal

Nag-iipon pa raw si Will Devaughn ng sapat na halaga bago niya pakasalan ang girlfriend na si Roxanne Barcelo. Nakatuon daw ang kanyang atensiyon ngayon sa negosyo at karera. 


Hindi pa rin daw handa si Will Devaughn na pakasalan ang longtime girlfriend nitong si Roxanne Barcelo.

At 35, sa tingin daw ni Will ay kailangan pa niyang mag-ipon para sa kinabukasan nila ni Roxanne, 33, sakaling dumating ang panahong lumagay na sila sa tahimik.

Sabi ng Filipino-German model-actor, “Well, nag-usap naman po kami.

"Kaya lang, I think it’s about individual… what we will do in our life individually, to grow, hindi lang as a couple, but individually.”

Sa ngayon, naka-focus daw si Will sa kanyang mga negosyo.

“Right now, meron akong mga negosyo, like yung active wear. Sobrang ganda ngayon, like, yung mga reviews…

"May café din po ako sa Makati, may mobile café din ako."

Diin niya, "Kailangan ko muna mag-create ng sense of stability, for me as a person, as an individual, as a man who will take care of his family.

“Pero nag-usap naman talaga kami, I know in my heart that she’s the one.”

Bakit niya nasabing si Roxanne na ang kanyang “the one?”

May kilig na sagot ng binata, “She’s beautiful, she’s honest, she’s everything a man could ever dream of.

"Yung values niya is very hard to find these days."

Sabi pa ni Will, siya naman daw ay “marrying type.”

“Yes, I’m the marrying type. I’m very committed.

"I always… napakalambing ko. And I‘m very loving and I’m truthful at the same time.

"I provide everything she needs."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Will sa grand presscon ng pelikulang I Found My Heart in Sta. Fe, na ginanap sa Victorino's Restaurant, Quezon City, noong August 16.

Si Roxanne ang leading lady ni Will sa pelikula.


Stories We Are Tracking

Roxanne Barcelo not yet ready to marry Will Devaughn
Roxanne Barcelo not yet ready to marry Will Devaughn

THE MOVIE. Hindi naman nalalayo sa totoong buhay ang karakter ni Will sa I Found My Heart in Sta. Fe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagampanan niya rito angt isang Filipino-German na turista na mahilig sa adventure at napadpad sa Beach Placid sa Sta. Fe, northern part of Cebu.

Bukod sa kanilang love story ni Roxanne, ipapakita rin sa pelikula ang kagandahan ng lugar na ito sa Bantayan Group of Islands.

Saad ni Will, “Alam mo, Sta. Fe, we shot it, not because of Roxanne and I are in the movie, pero to really show and showcase the beauty of life of an island in the Philippines na hindi pa siya sikat.

“I honestly feel that Sta. Fe is the next tourist destination in the world, as a place of paradise.”

Ang I Found My Heart in Sta. Fe ay mula sa direksiyon ni Bona Fajardo ng BluArt Productions.

Ito ay ipapalabas sa mga sinehan simula sa September 15. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN