Cesar Montano on speaking terms again with son Diego Loyzaga

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Cesar Montano's message to son Diego Loyzaga: "You don't have to stress yourself sa kung ano yung ano. You have to enjoy everything that's happening to you. Kasi one way or another, you will grow, your character will improve."


Ikinasisiya ni Cesar Montano na humupa na ang isyu sa pagitan nila ng anak na si Diego Loyzaga.

Si Diego ay anak ni Cesar sa dating nakarelasyon na si Teresa Loyzaga.

Noong Pebrero ng taong kasalukuyan ay naglabas si Diego ng sama ng loob laban ama sa pamamagitan ng Instagram.

Ito ay nag-ugat sa pamimilit diumano ni Cesar na sumailalim sa drug test si Diego, kahit hindi naman daw gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang binata.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego Loyzaga tests negative anew for drugs
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Diego tweets he is not accepted, loved by his father
Teresa Loyzaga shows support for son Diego
Teresa Loyzaga shows support for son Diego

Pahayag ni Cesar tungkol sa paglamig ng isyu sa kanila ng anak, “Wala namang permanent, e. 

“The only permanent in this world is change, lilipas din 'yan.”

May komunikasyon na nga raw sila ulit ni Diego.

“Nagti-text siya sa akin, text-text,” sabi ni Cesar sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kinumpirma rin ni Cesar na umalis na si Diego sa bahay na inilaan niya para tirhan nito.

“Bumili na siya ng condo.

“Yun ang hinahanap ko sa kanya, maging independent.

“Kasi nung umalis ako, ako lang mag-isa talaga, walang tumutulong sa akin.

“Kaya lagi kong sinasabi sa kanya, ‘You’re so fortunate meron kang mga magulang na nasa industriya.

“'Ako, when I started, wala. Nakikitira ako sa isang kuwarto, nagbabayad ako ng five hundred pesos. 

“‘Ikaw, meron kang tatay na pinatira ka sa bahay niya na walang bayad.’

“I just hope ma-realize niya. Matalino naman siya, I’m pretty sure mari-realize niya.”

Mensahe pa niya sa anak na binata, “You don’t have to stress yourself sa kung ano yung ano. 

“You have to enjoy everything that’s happening to you.

“Kasi one way or another, you will grow, your character will improve.”

Sa kabilang banda, tuloy pa rin daw ang communication nila ng tatlong anak niyang babae kay Sunshine Cruz.

Pareho raw sila ng birthday month ng anak niyang si Samantha at kahapon, August 23, ang birthday nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Cesar, “Meron akong pangakong cellphone sa kanya… kinukulit na rin ako.

“May offer akong celebration sa kanya, if she’s not busy din, okey.”

Base sa mga pahayag ni Cesar sa interview, tila naayos na ang gusot niya sa mga anak.

“Oh, yeah, yun naman ang ultimate intention ko, to be at peace with everyone, especially with my family, my children.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN