Boy Abunda defends Arci Muñoz on retoke issue: "Let's leave her in peace."

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Boy Abunda defends Arci Muñoz on retoke issue. The King of Talk pointed out that people should not focus on Arci's physical appearance but also on what kind of person she is. 


Ipinagtanggol ni Boy Abunda ang aktres na si Arci Muñoz laban sa netizens na nangba-bash sa aktres dahil sa pagpaparetoke umano nito ng mukha.

Tinalakay ang retoke isyu ni Arci sa episode ng Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, August 23.

Pagtatanggol ni Boy, hayaan si Arci kung ano ang gusto nitong gawin sa kanyang katawan.

“If she chooses to do something about her lips and her nose, let’s leave her in peace, kanya po yun,” mariing sabi ng King of Talk.

Huwag din daw magpokus sa pisikal na anyo ng aktres.

“At sana pagtuunan din natin ng pansin, lalo na tayong mga taga-industriya at mga kaibigan ni Arci, that she’s a beautiful person.

“We talk about the nose, we talk about the lips.

"What about what kind of a person she is, what about her talent?

"Pag usapan din natin, di ba?" depensa ni Boy.

Nitong Agosto ay naging viral ang litrato ni Arci na kuha sa isang rock concert, at maraming netizens ang nag-react sa pagbabago raw ng hitsura ng Kapamilya actress.

Bunsod nito, kinumpara ng ibang netizens ang before and after photos ni Arci upang ipunto ang pagbabago sa mukha nito.

Una nang sinabi ni Arci sa isang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala siyang nakikitang masama sa pagpaparetoke.


Stories We Are Tracking

Arci Muñoz hits back at basher's comment on her lips
Arci Muñoz hits back at basher's comment on her lips
Netizens spot the difference in Arci Muñoz's viral photos
Netizens spot the difference in Arci Muñoz's viral photos

Rason niya, katawan niya ito at handa siyang magpabago kung magiging kumportable siya rito.

Taong 2014 nang maaksidente si Arci sa isang stage performance, kung saan naapektuhan ang kanyang ilong at kinailangang magpa-surgery.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN