Roxanne Barcelo reveals being bullied by a younger actress

IMAGE Noel Orsal

Roxanne Barcelo on her first meeting with an actress: "Unang kita pa lang namin, ang eksena namin, sabi niya sa akin, 'Hindi ka magaling na artista.' Kapapasok at kauupo ko pa lang noon sa dressing room."


Biktima umano si Roxanne Barcelo ng bullying ng isang aktres na mas nakababata sa kanya.

Ayon sa 32-year-old actress-singer, wala siyang maisip na dahilan para i-bully siya ng aktres dahil nagiging kaibigan daw niya ang lahat ng kanyang mga nakakatrabaho.

Saad ni Roxanne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Meron at meron akong na-encounter na ang pakikitungo sa akin, kahit anong gawin ko before, kahit tina-try ko talagang maging okey with everyone, pero merong isa, out of a hundred, na hindi mo mapi-please.”

Patuloy niya tungkol sa aktres na kanyang tinutukoy, “Sinubukan ko rin na intindihin kung bakit, kasi baka meron din siyang experience before that, which is na-confirm ko na meron nga.

“Baka ganoon lang talaga siya. Mas naniniwala siya na parang sa basketball, may trash talking, uso yung ganoon.

“I guess, ito yung style, pero hindi ako sanay sa ganoon kasi hindi ko siya ka-contemporary. Magkaiba kami.”

Ikinuwento ni Roxanne ang unang pagtatagpo nila ng aktres na mainit ang dugo sa kanya.

“Actually, hindi ko talaga maintindihan.

“Unang kita pa lang namin, ang eksena namin, sabi niya sa akin, ‘Hindi ka magaling na artista.’

“Kapapasok at kauupo ko pa lang noon sa dressing room.

“Sabi ko, okey, kung yun ang opinyon niya, e, di go!

“Hindi ko na pinalaki kasi hindi kailangan.

“Alam mo naman ako, I’d rather go the hard way,” lahad ng aktres, na nagsimula ang showbiz career noong 1999.

May insidente rin daw na naranasan si Roxanne na tabigin ng aktres sa production number nila sa isang Sunday show.

Inisip ni Roxanne na ireklamo ang aktres sa Viva Artists Agency, ang talent management agency na namamahala sa career niya, pero nagbago ang kanyang isip.

Sabi niya, “Tinamad na akong ituloy. Kapag nagkikita kami, dedma, dedmahan.

“Sinubukan ko na maging civil, pero hindi nagwo-work.”

Pinili na lang daw niyang huwag patulan at seryosohin ang aktres na tila hobby ang i-bully siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang napapanood si Roxanne sa ABS-CBN drama series na Wildflower.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN