Will Devaughn on Roxanne Barcelo: "She is what every man would like to have as a partner and as a soulmate."

IMAGE Glenn Regondola

Roxanne Barcelo on the best traits of boyfriend Will Devaughn: "Siguro yung number one is honesty, kasi naging honest kami sa isa't isa. Naging honest siya sa akin, at kahit maghapon tayo na ungkatin lahat ng nakaraan ng isa't isa, alam na namin lahat. Wala nang gulatan."


Parehong napaiyak sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn sa presscon ng kanilang upcoming movie, ang I Found My Heart In Santa Fe, kahapon, August 24.

Unang naging emosyunal si Will nang tanungin tungkol sa endearing qualities ng girlfriend niya.

“Sobrang lambing po siya, sobrang lambing and it’s effortless to love her,” ang napaluhang sabi ni Will.

Kaya biro niya, “Wait lang, wait lang… there’s something in my eye.”

Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy ng model-turned-actor ang pagsasalita, ngunit hindi pa rin niya mapigilang maging emosyunal.

Saad ni Will, “Like I said, she’s so effortlessly to love and she is napaka-giving na tao. Napaka… wait lang, hinga muna ako…

“Like she said, nag-start po kami as friends and she’s the best friend I ever had sa buong buhay ko, and ang dami kong gustong sabihin but I will keep it short.

“She is what every man would like to have as a partner and as a soulmate.

“Four years na kami but I know we have a lot of time to still create memories… create substance, create a bigger foundation sa relationship namin.”

FRIENDS IN LOVE. Ayon naman kay Roxanne, matibay ang relasyon nila ni Will dahil magkaibigan sila.

“First of all, yung relationship namin, tanggalin mo na lahat, alisin mo na lahat, ang puno’t dulo niya, magkaibigan po talaga kami.

“Walang best foot forward. Lahat ng ganda, lahat ng baho, nakalatag.

“So, siguro yung number one is honesty, kasi naging honest kami sa isa’t  isa.

“Naging honest siya sa akin, at kahit maghapon tayo na ungkatin lahat ng nakaraan ng isa’t isa, alam na namin lahat. Wala nang gulatan.”

Patuloy ni Roxanne, “Siguro sa akin, isa pang trait ni Will na na-in love talaga ako sa kanya, kung gaano siya ka-sweet. Napaka-sweet ni Will.

“Hindi siya yung idinadaan niya sa material things, kasi hindi naman yun ang basehan ng naging relasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s more of yung thought... Yung sinasabi na it’s the thought that counts, totoo po yun, very thoughtful si Will.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN