Kristoffer Martin admits to feeling impatient about his showbiz career

IMAGE Noel Orsal

Kristoffer Martin on his showbiz career: "Inaalagaan ka naman ng GMA, e. Nandiyan naman sila para sa iyo. Yun lang, medyo stagnant nga lang yung career path ko ngayon, nagtatanong ako kung anu-ano... Kumbaga, sabihin nating, oo, existing yung feeling na nagiging impatient ako."


Pinabulaanan ni Kristoffer Martin na muntik na siyang umalis sa GMA Network at lumipat sa ibang TV network.

Nagsimula ang espekulasyong nagbabalak lumipat ng istasyon si Kristoffer sa Instagram post niya noong July, na tila nagpapahiwatig na hindi na siya masaya sa kanyang career sa Kapuso network.

Ito ang magkasunod niyang IG posts noong July 12:

“Let’s see what will happen this year. Pag wala pa rin, next option na talaga.”

“Hindi sa nagmamadali pero sayang oras. Sayang panahon. Sayang talent.”

Nang eksklusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa screening ng indie movie na 4 Days sa Cine Adarna UP Diliman, noong Huwebes ng gabi, August 24, inusisa namin siya tungkol sa kanyang IG posts.

“A, wala yun,” pakli ni Kristoffer.

Hindi raw totoong kinunsidera niyang umalis ng GMA-7.

“Hindi naman kinonsider, kasi may kontrata ako, e.

“Actually, hindi mo naman siya talaga mare-reconsider, e.”

Hanggang tatlo o apat na taon pa raw ang existing na kontrata niya sa Kapuso network.

Bakit siya nag-post ng ganoon sa IG account niya?

Ayon sa 22-year-old actor, “To clarify things, personal tweet naman yun, e.

“Hindi naman siya about GMA, na siguro yung ibang tao ang iisipin…

“Ako rin, nung nabasa ko, ‘Bakit andaming reactions ng mga tao regarding that?”

Diin ni Kristoffer, “Personal yun, personal.

“It can mean anything naman, e.

“Kumbaga, hindi naman siya direct sa GMA.”


Stories We Are Tracking

Kristoffer Martin hints at next career move
Kristoffer Martin hints at next career move
Kristoffer Martin puts an end to rumored network transfer
Kristoffer Martin puts an end to rumored network transfer

CAREER PATH. Pero may pagkakataon bang naisip niyang umalis sa GMA-7 o nagtanong siya sa sarili niya?

Tugon ni Kristoffer, “Puwede kang magtanong, puwede mong isipin, puwede mong anuhin pero…

“Inaalagaan ka naman ng GMA, e. Nandiyan naman sila para sa iyo.

“Yun lang, medyo stagnant nga lang yung career path ko ngayon, nagtatanong ako kung anu-ano.

“May sinasabi naman sila, e, pero for me, I trust the network naman, e.

“Kumbaga, sabihin nating, oo, existing yung feeling na nagiging impatient ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kasi ten, eleven years na kasi ako sa showbiz, e.

“Parang to yourself, you know, what you deserve, e, iyon lang siguro yung sa akin.”

Huling napanood si Kristoffer sa Hahamakin Ang Lahat, na sinundan ng Mulawin vs Ravena kung saan nag-guest siya for a week.

Susunod naman siyang mapapanood sa upcoming GMA fantaserye ni Marian Rivera na Super Ma’m.

Hindi naman daw siya nababakante sa trabaho kahit paano.

Masasabi raw ni Kristoffer na isa siyang loyal Kapuso.

“Yes, of course, of course. Until the end, Kapuso ako,” pakli niya.

Kaya wala raw talagang isyu tungkol sa kanyang paglipat.

JOYCE’S INTERVIEW. Pero sa hiwalay na panayam ng PEP sa malapit na kaibigan at ex-girlfriend ni Kristoffer na si Joyce Ching, sinabi nitong tila pinag-iisipan ng aktor na “mag-explore” pagdating sa kanyang career.

Sabi ni Joyce: “Parang… siguro sa time ng career niya ngayon, parang it’s good rin na mag-isip ng ibang options or… mga ganun.

“Pero hindi naman talaga yung muntik na, na andito na yung contract, hindi pinirmahan, hindi naman po ganung level.

“Pero iyon, siguro nag-e-explore din siya kung saan siya mas magwo-work, mas magiging okay ang career niya.”

Tinanong ng PEP si Kristoffer tungkol sa pahayag na ito ni Joyce.

Saad niya, “Siguro pabiro ko sa kanyang nasabi.

“Kasi puwede naman nating sabihin na sinasakyan ko yung init ng mga tao, kung anong naging isyu, pero hindi, alam naman niya yun.

“Baka nakasagot lang siya ng ano.”

ALJUR ABRENICA’S TRANSFER. Ano naman ang reaksiyon ni Kristoffer sa paglipat ng dati niyang kasamahan sa GMA-7 na si Aljur Abrenica sa ABS-CBN?

Tugon niya, “Happy ako for him! He’s my friend, e. I know the guy.”

Napag-usapan na ba nila iyon ni Aljur?

“Hindi naman. Nagulat nga rin ako, e.

“Actually nagulat ako. Nalaman ko siya sa iba pang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na-confirm ko nung nalipat siya dun sa FPJ’s Ang Probinsyano.”

Tinext o tinawagan ba niya si Aljur?

“Hindi naman, hindi naman.

“Kasi yung ano namin ni AJ, ni Aljur, ano lang, e, pag magkasama, mag-uusap, pero wala naman kaming text-an.”

Sa kaso ni Kristoffer, nakikita ba niya ang sarili na lilipat din ng network in the near future?

“Hindi ko masabi ‘yan, ayokong magsalita ng tapos.

“Ayoko lang magsalita ng tapos, hindi rin natin alam,” tugon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN