Solenn Heussaff, Nico Bolzico spearhead viral campaign for cancer-stricken friend Wil Dasovich

IMAGE PEP.ph / Wil Dasovich on Instagram

Solenn Heussaff and Nico Bolzico (left) showed their support for cancer-stricken friend Wil Dasovich (right) by spearheading their #1MforWil viral campaign aimed at fulfilling Wil's goal of having one million YouTube subscribers.


Pinadama ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang kanilang suporta para sa kanilang kaibigang si Wil Dasovich na na-diagnose na may cancer kamakailan.

Pinost ng former Pinoy Big Brother housemate na si Wil sa kanyang video blog na ang sanhi pala ng ilang buwan niyang internal bleeding noong nandito siya sa Pilipinas ay dahil sa cancer.

Read: Ex-PBB housemate Wil Dasovich diagnosed with cancer

Walang binanggit si Wil sa kanyang vlog kung anong klaseng cancer ang nakita ng mga doctor sa America sa kanya, pero hindi raw iyon ang makakapagpatigil sa kanya sa pagpatuloy na pag-vlog niya ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

Nabanggit ni Wil na isa sa mga pangarap niya ay ang makaabot sa one million YouTube subscribers, at ito ang magiging goal ng mag-asawang Solenn at Nico.

VIRAL CAMPAIGN FOR WIL. Kaya sa mga recent posts nina Solenn at Nico, may hashtag sila na #1MforWil.

Sa post ni Nico sa Instagram noong nakaraang August 25, nilagyan niya ng nakaka-touch na caption ang photo kunsaan magkasama sila ni Wil.

Simple naman ang naging caption ng Alyas Robin Hood star na si Solenn bilang suporta niya kay Wil.

You got this! #1MForWil

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn) on

PROUD OF HIS PINOY ROOTS. Isang model at TV personality si Wil sa San Francisco, California.

Ang kanyang ama ay American, samantalang Pinay namang ang kanyang ina.

Noong 2013 siya unang nakarating sa Pilipinas at nag-decide siyang manatili rito para mas marami pa siyang malaman sa kanyang pagkakaroon ng dugong Pinoy.

Inamin ni Wil na lumaki siya sa isang white neighborhood na walang Pinoy, kaya ang naging goal niya ay hindi siya aalis ng Pilipinas hanggang hindi siya maging 100% fluent sa pagsalita ng Tagalog.

Kaya sa mga pinost niyang YouTube videos, meron siyang series doon na tinawag niyang “The Art of Tagalog,” kunsaan kinukunan niya ang sarili niyang nagsasalita ng iba’t ibang Tagalog words.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinatuwa rin ng marami ang pagsalita ni Wil ng gay lingo or kung kung tawagin niya ay “bekinese.”

Nakapag-guest na si Wil sa mga Kapuso shows tulad ng Dangwa at Dear Uge, hanggang sa pumasok siya bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN