Gelli de Belen reveals reason for abandoning plans of migrating to Canada

IMAGE Noel Orsal

Gelli de Belen shares the secret behind her enduring marriage to husband Ariel Rivera: "I think more than me, it's him. Kasi, ang mga babae ay natural lamang na ipaglalaban ang kanilang forever, pero nasa lalaki raw yun kung paano tatahakin ang tamang landas ng kanilang relasyon."


Nawala na raw sa plano nina Gelli de Belen at ang asawang si Ariel Rivera ang pag-migrate sa Canada, kunsaan naka-base ang mga magulang ni Ariel.

Pinlano ito ni Ariel noon noong lumalaki na ang kanilang mga anak, ngunit hindi na ito natuluy-tuloy.

Kuwento ni Gelli, “You know what, ewan ko ba. Kasi pinlano 'yan ni Ariel.

"Nawala na talaga yung plano na magma-migrate kami for the kids to study there.

“Yun lang naman talaga yun.

"Tapos kami, probably just go back and forth kasi dito kami kumikita, e.

"Andito yung livelihood namin. So why would we give that up?”

Ang panganay nilang anak na si Joaquin ay 18 na, samantalang ang bunso namang si Julio ay 16 years old na.

Ngayon ba ay may plano silang sundan pa ang dalawa?

Mabilis niyang sagot, “Ay, okay na ako. Pass na ako diyan.”

Nagkaroon daw ng problema si Gelli noong huli niyang pagbubuntis kay Julio, kaya minarapat nila ni Ariel na hindi na ituloy ang plano nila para magkaroon ng third child.

KEEPING THE LOVE ALIVE. Sa showbiz, hinahangaan din ang samahan nila ni Ariel dahil 25 years na silang magkasama.

Tunay na bukod-tangi ang kanilang relasyon dahil mula noong ikasal sila, ni minsan ay hindi sila nasangkot sa anumang kontrobersiya.

Ano nga ba ang sikreto nila?

Saad niya, “I think more than me, it's him.”

"Kasi ang mga babae ay natural lamang na ipaglalaban ang kanilang forever, pero nasa lalaki raw yun kung paano tatahakin ang tamang landas ng kanilang relasyon."

Biro pang tanong kay Gelli, kumusta naman ang sex life nila?

Natatawang sagot nito, “As often as possible, as often as time permits.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media ang La Luna Sangre star sa joint presscon nila ni Aiko Melendez noong nakaraang Huwebes, August 24, sa isang restaurant sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay handog ng kanilang management team na Asian Artists Agency.

RESPECT WOMEN. Nakabase na sa Canada ang dalawa nilang anak sa ngayon dahil dun na raw ito nag-aaral.

Nasa Pilipinas naman ang mga bata ngayon dahil summer break ng mga ito.

May girlfriend na ba ang kanyang panganay na si Joaquin na nasa tamang edad na?

Tugon niya, “Wala naman.”

Pinagbawalan ba niya ito magka-girlfriend?

Saad niya, “Hindi naman, kailangan din naman nila yun.

"Pero, siyempre, because he is about to embark in a different journey, episode of his life, siyempre mahirap for him to have a relationship siguro.

“Ewan ko, desisyon naman niya yun, e. Hindi naman ako nag-impose nun, e.

"Desisyon naman niya yun na huwag muna.”

Ano naman ang bilin niya sa mga anak pagdating sa mga babae?

Sabi niya, “To respect women, and siguro kung paano ako tinrato ng tatay nila, ganun din dapat sila sa mga magiging girlfriend nila.”

Samantala, masaya naman daw si Gelli sa takbo ng kanyang karera dahil maganda ang ratings ng kanilang teleserye sa ABS-CBN na La Luna Sangre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN