Manager on Kris Aquino TV comeback: "One more meeting to finalize everything"

IMAGE Courtesy: Sugar Mercado on Facebook

Malalaman daw sa susunod na linggo kung ano ang magiging proyekto ni Kris Aquino na ipoprodyus ni Willie Revillame. May isa pa raw silang meeting upang plantsahin ang planong TV comeback ni Kris. 


Hindi pa plantsado ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino. 

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa business manager ni Kris na si Arnold Vegafria kahapon, August 30, sinabi nitong may isa pang meeting na kailangan.

Ipapanalisa raw nila ang detalye ng proyekto ng TV host-actress sa “future boss” nitong si Willie Revillame.

Ayon kay Arnold, “Inaayos pa. Nag-uusap pa sila.

"Pero lalabas siya kay Willie. Pinag-uusapan pa.

“Malalaman ko 'yan next week, what would be the final.

“One more meeting to finalize everything.”

Hindi naman masagot ni Arnold kung magiging co-host ba si Kris sa game show ni Willie sa GMA Network na Wowowin.

Matagal nang plano ni Willie na mag-produce ng sariling talent show kahit noong nasa TV5 pa siya.

Kaya tinanong si Arnold kung talent show ba ang ihu-host ni Kris na ipo-produce ni Willie para sa GMA-7.

Okay na ba si Kris sa GMA?

Sagot ni Arnold, “Si Willie naman ang nakikipag-usap.”

Sa ngayon, si Arnold na ang hahawak ng TV projects at endorsement deals ni Kris.

Pero nandiyan pa rin daw si Boy Abunda na tumutulong din kay Kris sa iba pa niyang endorsements. 

Noong panahong nasa ABS-CBN si Kris, ang tumatayong manager niya ay si Deo Endrinal, ngunit naroon na rin si Boy para ayusin ang endorsement deals.


Stories We Are Tracking

Willie Revillame hints at timeline for Kris's <em>Wowowin</em> stint
Willie Revillame hints at timeline for Kris's Wowowin stint
Willie reveals plan to help Kris make a TV comeback
Willie reveals plan to help Kris make a TV comeback
Will Kris Aquino co-host <em>Wowowin</em> with Willie Revillame?
Will Kris Aquino co-host Wowowin with Willie Revillame?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN