Archie Alemania back to being proud Kapuso: "Siyempre kung original Kapuso ka, e di doon ka, where you belong!"

IMAGE Noel Orsal

Archie Alemania is now back with GMA-7, after thirteen years with ABS-CBN. "Siyempre kung original Kapuso ka, e di doon ka, where you belong! Pero kung saan man ako, happy naman ako and thankful, basta thankful ako kung saan mang network, ABS and TV5 and channel 7."


Isang dating Kapamilya, Kapuso na ulit ngayon ang aktor na si Archie Alemania.

“Formally, since February of this year,” sagot ni Archie nang tanungin namin kung kailan siya lumipat sa GMA.

“Before, nagge-guest na ako sa GMA NewsTV, laging Wagas or Karelasyon, iyon lagi.”

Bago siya naging Kapuso ay more or less labintatlong taon raw siyang Kapamilya.

Sabi niya, “Nag-start ako sa 7, pero yung pinaka-big break ko, sa ABS.”

Kaya original Kapuso raw si Archie.

Ano ang nangyari at bumalik siya sa GMA?

“Siyempre kung original Kapuso ka, e di doon ka, where you belong!

“Pero kung saan man ako, happy naman ako and thankful, basta thankful ako kung saan mang network, ABS and TV5 and channel 7,” paglinaw niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Archie sa screening ng indie movie na 4 Days sa Cine Adarna sa UP Diliman noong August 24.

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan ni Mikoy Morales at Sebastian Castro, sa direksyon ni Adol Alix, Jr.

MANAGEMENT. Ang manager ni Archie ay si Rams David ng Triple A Management na siya ring nangangalaga sa career ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Paano napunta si Archie sa pangangalaga ni Rams?

Kuwento niya, “Two years ago, when I went back galing States, tinawagan ko na si Kuya Rams, sabi ko, ‘Nay, puwede ba akong magpahawak sa ‘yo?’

“Kasi parang gusto ko ring i-try sa kabilang station. So dun, sabi niya sige.

“And we started out sa GMA NewsTV muna since I’m doing mga teleserye sa channel 2 like Tubig At Langis at Ang Probinsiyano.

“After Ang Probinsyano. then iyon na, hinanapan na niya ako ng work sa channel 7.”

Sa Bubble Gang at sa D’ Originals inilagay ni Rams si Archie.

Dagdag pa niya, “Sabi ni Nanay Rams naghahanap siya ng magagandang roles, ayaw niya ng maliliit na roles for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-meet na ba niya si Marian?

Tugon niya, “Yes, before! Tsaka si Dingdong nakasama ko na sa teleserye dati, sa Twin Hearts.”

Ang Twin Hearts ay drama series ng GMA na umere noong 2004 at pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Karylle, Tanya Garcia at Dennis Trillo.

Hindi pa raw niya nakakatrabaho sa isang teleserye si Marian pero nagkatrabaho na sila sa isang out-of-town show.

Pakli niya, “Nakasama ko siya sa isang piyesta sa Bulacan na hindi pa siya Marian Rivera that time.”

Per show ang kontrata niya sa GMA; kay Rams ilang taon ang kontrata niya?

“Wala kaming kontrata, basta palabra de honor,” diin ni Archie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN