Jeric Gonzales on pursuing Thea Tolentino after her breakup with Mikoy Morales: "Walang imposible."

IMAGE Noel Orsal

When asked if Jeric sees himself being in a relationship with Thea, he says, ""Hindi natin masasabi kasi… wala, hindi ako magsasalita ng tapos."


Nagulat daw si Jeric Gonzales nang una niyang malaman na break na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales.

“Kasi close friends ko sila e,” aniya.

“Tsaka nagtaka ako kasi galing na sila dun before, nag-break  na sila tapos nagkabalikan, last year.”

Si Mikoy raw ang una niyang nakausap matapos maghiwalay ang dalawa.

May payo ba siyang ibinigay kay Mikoy?

“Hindi naman siya humingi ng advise

“Sabi niya may mga ano lang sila, may mga reasons lang sila kung bakit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa screening ng indie movie na 4 Days sa Cine Adarna sa UP Diliman nitong August 24, Thursday.

Ang naturang pelikula ay pinagbibidahan ni Mikoy at Sebastian Castro, at ito ay sa direksyon ni Adol Alix, Jr.

Sa kasalukuyan ay wala raw girlfriend si Jeric.

Dati niyang naging crush si Thea. Hindi kaya maging sila pag nagkataon?

“Hindi natin masasabi kasi… wala, hindi ako magsasalita ng tapos,” aniya.

Sina Jeric at Thea ay sabay pumasok sa showbiz. Pareho silang winners sa Protégé, ang artista search show ng GMA noong 2012. Ilang beses rin silang pinagsama ng GMA sa mga shows na tulad ng Pyra, Ang Babaeng Apoy, Magpakailanman, Teen Gen at marami pang iba.

Hindi raw niya nililigawan si Thea.

“Pero alam niyang crush ko siya before.”

Ibig bang sabihin ay hindi na niya crush si Thea ngayon?

“Siyempre hindi naman nawawala yung paghanga, e.

“Tsaka eversince naman magkasama kami so walang imposible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN