Jeric Gonzales says career growth in GMA-7 "slow" but has no plans of switching networks

IMAGE Noel Orsal

"Wala akong ano e, hindi ko naiisip yung mga ganun, e. Kasi kung ano talaga yung nag-ano sa akin, kumbaga kung saan ako galing, dito talaga ako. Hindi ako aalis," says Jeric Gonzales when asked if he sees himself transferring to another network.


Huling napanood si Jeric Gonzales sa afternoon drama series na Oh, My Mama!, kasama sina Inah de Belen at Jake Vargas.

Matapos ang Oh, My Mama! ay isinama sina Inah at Jake sa Encantadia, habang si Jeric ay wala pang bagong show sa kasalukuyan.

Sinabi naman daw ng GMA Network kay Jeric na may nakahanda ng mga plano para sa kanya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay si Jeric sa screening ng indie movie na 4 Days, sa Cine Adarna sa UP Diliman, Quezon City, noong August 24, tinanong namin kung nababagalan ba siya sa takbo ng kanyang showbiz career.

Tugon niya, “I can say at this point na… medyo.

“Kasi ano na, e, it’s been four years na.”

“And I’m waiting pa rin sa break na puwedeng ibigay sa akin.”

Pero wala raw siyang tampo sa GMA-7.

“Wala naman, wala naman. 

“Wala namang ganun.”

 “Oo, parang naghahanap lang ako ng ano, alam mo yun, yung right project, yung right timing.

“Pero alam ko naman darating din yun soon.”

STAYING LOYAL. Isang taon na lang ang kontrata ni Jeric sa GMA. Magre-renew ba siya?

“Lagi ko namang sinasabi na I’ve been loyal talaga sa GMA.

“Wala akong balak na mag-transfer, so I’ll stay, kahit na medyo matagal pa.

“Sinasabi ko na yun, wala talaga akong balak [na lumipat].”

Ano naman ang masasabi niya sa paglipat ni Aljur Abrenica sa ABS-CBN?

“Iyon, close friend ko talaga yun.

“Magkapatid kami, kasi nag-Once Again kami, di ba?

“Tapos parang naging kapatid ko talaga siya,” sagot ni Jeric.

Ang Once Again ay isang drama series sa GMA na pinagbidahan nina Aljur at Janine Gutierrez last year, kung saan kasama rin si Jeric.

Wala raw anumang ideya si Jeric na aalis si Aljur sa GMA Network.

“Tapos nagulat na nga lang ako na nasa  social media, tapos nasa  Ang Probinsyano [na si Aljur].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang bilis, ang bilis.

“Ayun tinext ko lang siya, kinongrats ko siya.

“Sabi niya , ‘Ah, we’ll catch up soon, magkita tayo.’

“Sabi ko sa kanya happy ako para sa kanya.”

Open ba si Jeric sa posibilidad na lumipat ng network?

“Wala akong ano, e, hindi ko naiisip yung mga ganun, e.

“Kasi kung ano talaga yung nag-ano sa akin, kumbaga  kung saan ako galing, dito talaga ako.

“Hindi ako aalis.

“Parang, ganun ako,” wika niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN