Nora Aunor and Vilma Santos willing to reunite in a movie

IMAGE Allan Sancon

Star For All Seasons Vilma Santos and Superstar Nora Aunor were named Best Actress at the 33rd PMPC Star Awards for Movies. Vilma won for her performance in Everything About Her and Nora was cited for her role in Kabisera.


Posible at wala raw problema para sa Superstar na si Nora Aunor at sa Star For All Seasons na si Vilma Santos na muli silang magsama sa isang pelikula.

Matagal na panahon na rin nang huli silang magkatrabaho sa pinagbidahan nilang pelikulang T-Bird at Ako noong 1982.

Nauna rito, nagkasama na rin sila sa 1978 film na Ikaw Ay Akin, kung saan ang leading man nila ay si Christopher de Leon.

Sabi ni Nora, “Iyan ang pag-uusapan namin.

“Siguro naman, kung mayroong magandang proyekto na parang T-Bird at Ako, na naaayon o tumutugma sa aming dalawa ay bakit hindi?

“Para sa akin ay walang problema.”

Ayon naman kay Vilma, “Sana mabigyan kami ng magandang script.

“Kasi, sa klase ng tayo namin ngayon, we’re not getting any younger.

“Kailangan namin ng isang magandang script para nang sa ganun ay makaasa kami na papanoorin ng mga tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Nora at Vilma pagkatapos ng awards night ng 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), na ginanap noong Linggo, Setyembre 3, sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

SHARING OF AWARDS. Pinag-usapan ang bihirang pagkakataong muling nagsama sa isang entablado ang dalawang living legends at icons ng Philippine showbiz na sina Nora at Vilma nang parangalan sila ng Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino sa PMPC Star Awards for Movies.

Ang special award na ito ay iginawad sa kanila dahil sa mahigit 50 years na kontribusyon nila sa industriya ng pelikula.

Hinarana sila nina Christopher de Leon at Cesar Montano, na naging leading men nila sa pelikula.

Maliban dito, si Christopher o Boyet ay ex-husband ni Nora.

Bukod sa special award na ito, nag-share din sila sa isa pang parangal nang mag-tie sila sa Movie Actress of the Year; si Vilma para sa Everything About Her at si Nora para sa Kabisera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam nilng  tila nabuhay ulit ang rivalry nila sa naturang awards night?

Tugon ni Vilma, “Okay lang yung ganyan na friendly rivalry.

“Kami naman ng kumare ko, ever since, kami naman ang magkalaban.

“Pero hindi naman iyon yung magkalaban kami sa career, we’re friends, so malaking karangalan na magkasama ulit kami ngayon.”

May pakiusap naman si Nora na huwag nang intrigahin ang pagta-tie nila ni Vilma bilang Movie Actress of the Year.

Sabi ng Superstar, “Huwag na nating haluan ng intriga dahil wala namang isyu. Walang dapat gawan ng isyu.

“Salamat sa PMPC sa karangalang ibinigay sa amin.

“Masaya ako na nanalo kami ng kumare ko.”

THANKFUL TO FANS. Bukod sa pasasalamat sa PMPC sa kanilang natanggap na awards, nagpapasalamat din sila sa kanilang fans—ang Noranians at Vilmanians—na hindi magkamayaw sa pagtili at pagpalakpak para sa kanilang mga idolo.

Wika ni Vilma, “After five decades, limampung taon, narito pa rin kami ng kumare ko at binibigyan niyo pa rin kami ng recognition, we truly appreciate it.

“Maraming salamat sa PMPC, inspirasyon po namin ito.

“And to all the fans, Vilmanians at Noranians, maraming salamat.”

Natatawa namang sabi ni Nora, “Ang iingay ng fans!

“Nagkukuwentuhan kami ni Mare kanina sa backstage, hindi kami magkaintindihan. 

“Sabi nga ng kumare ko, ‘Noranians, Vilmanians, behave.’

“Pero salamat sa mga fans na nandiyan pa rin sila para suportahan kami.”


Stories We Are Tracking

Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies
Nora, Vilma, Daniel win top honors at Star Awards for Movies


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN