Why is Robin Padilla selling his personalized RV bus and Humvee?

IMAGE Noel Orsal

Patuloy pa rin ang pagtulong ni Robin Padilla sa mga biktima ng giyera sa Marawi. Bilang bahagi ng kanyang pagtulong, ibinibenta ng aktor ang dalawa niyang mamahaling sasakyin upang makapagpagawa ng deep well sa mga evacuation center kung saan naroon ang Marawi bakwits. 


Ibinibenta ni Robin Padilla ang kanyang dalawang mamahaling sasakyan: isang personalized RV bus at isang Humvee.

Ang mapagbebentahan ng mga sasakyang ito ay gagamitin daw ng aktor para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.

Sabi ni Robin sa kanyang Instagram posts noong September 3, “Ang pagbebentahan po nito ay dadalhin sa pagpapaggawa ng mga deep well sa mga nangangailangan ng maayos na tubig sa evacuation center sa Marawi war.”

Ipinakita pa ng action star ang loob ng kanyang dalawang sasakyan upang makitang maayos at nasa kundisyon pa ang mga ito.

Ang kanyang RV bus ay may living room, kitchen, bedroom, bathroom with jacuzzi, at mini-closet.

Ibinigay rin niya ang contact details ng mga taong dapat tawagan sa mga interesadong bumili ng mga sasakyan niya.

Si Robin ay converted Islam at masugid na tumutulong sa mga biktima ng giyera sa Marawi. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN