Sharon Cuneta learns to ignore bashers: "We all should be bigger than and go beyond that."

IMAGE Noel Mangalonzo

Sharon Cuneta says public scrutiny makes it even more difficult for artists to deal with their issues. But she's still not telling the reason why she seems depressed.

 


Sa sunud-sunod na posts ni Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts, may mga pahiwatig na tila may mabigat ngang pinagdadaanan ang Megastar.

May Instagram post nga siyang "money can’t buy happiness," na tila confirmation na depressed ang Megastar.
    
Komento dito ni Sharon, “It’s true… but it’s better to be sad and have something to buy something with.

“Kung malungkot, at least kung mayroon kang kaunting naipon, puwede kang mag-shopping.

“Puwede kang magpa-parlor, puwede kang kumain sa labas kasama ang friends mo.”

Siniguro rin ni Sharon na matatag at matapang niyang hinaharap ang mga problema.
    
“I’m okay, please don’t worry about me. I’m always okay.

“My God, I have been through hell and back and I come out much stronger.

“Whatever I go through now in my life, I will still come out strong, willing and happy to work.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon sa grand presscon ng pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS CBN, noong Lunes, September 4.
   
UNHAPPY HATERS. Kung noon ay hindi niya napipigilang minsan ay makipag-away sa bashers at haters, nasanay na rin daw si Sharon.

Saad niya, “Nung bago lang social media, na-shock ako, e.

"Narating ko kung ano ang narating ko na walang social media.

“Parang pinalaki tayo ng mga magulang natin na sanay tayo na may human contact.

“Pag may gusto kang pasalamatan, yakapin, mahalin, harap-harapan.

“Pag may gusto ka ring kausapin, awayin, harap-harapan din.

“Ngayon, hindi mo na alam kung sino ang kalaban mo, hindi mo alam kung ang iba dun, inuutusan.

“Matapang lang naman sila dahil anonymous sila."

Patuloy ni Sharon, “We’re bigger than that, we all should be bigger than and go beyond that.
     
“I learned years ago to focus on those that matter, yung mga positive, yun ang pinapansin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka ang bait ng Diyos, parang may bullet-proof glass ako.

"As God as my witness, parang walang tumatama sa akin.

“Kung mayroon man akong sinasagot, kaunti lang, hindi ako affected, I forget it right away.

“Siguro these people na walang magawa kundi manira, they are not happy with their lives.

“Sabi ko nga, I posted one quote, ‘If you blow out someone else’s candle, it won’t make your light shine brighter.’

“Hindi ikagaganda ng buhay mo ang paninira sa iba.”

MAGNIFIED. Very vocal si Sharon sa pagsasabing bukod sa dumadaan siya sa sunod-sunod na problema, bilang artista ay mas nakakabigat pang napag-uusapan ito ng publiko.
    
Hinaing niya, “May pinagdadaanan, hindi lang isa, dalawa, nao-overwhelmed lang ako, tapos nakasabay pa ng trabaho.

“Iba pag sa akin, turbo dumarating ang problema, kailangan sabay-sabay, sunod-sunod.

“Hindi katulad ng regular na tao, when it’s us, it’s magnified.

“Hindi naman kayo magtatanong sa hindi artista kung ano ang pinagdadaanan.

“Parang nagpapahinga ang puso pag may trabaho kaya gusto kong mag-shooting na, e.

“Saka pag si Robin ang kasama mo, masaya kayo.”

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang upcoming movie nila ni Robin Padilla na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.     

Pero may ilang fans ang humihiling na sana ang susunod na makapareha ni Sharon ay si Ian Veneracion.
   
Reaksiyon ng Megastar, “Kung sino ang gusto ninyo, yun po ang isulat ninyo, sabi ninyo si Ian Veneracion ang request ng karamihan.”

Pagsisikapan daw niyang magmukhang hindi malayo ang agwat niya sa edad ni Bea Alonzo, ang kapareha ni Ian sa Kapamilya primetime series na A Love To Last.

Sabi pa ni Sharon, “Hindi naman ganun kalayo, pero kailangan di masyadong nalalayo kay Bea.”

CAN DO. Matagal-tagal na ring nababalitang may marital issues si Sharon at ang kanyang mister na si Senator Francisco “Kiko” Panglinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Palagi niya itong pinabubulaanan, at kamakailan nga ay till nawawalan na si Sharon ng pasensiya sa kapapaliwanag.

Pahayag niya, “Okey, okey kami, they will always speculate.

“Whether I deny or admit or give a reason and say something else, they will always believe what they want to believe.

“I think ilang beses ko nang nasabi na wala namang perpektong marriage, ganun lang yun.

“Hindi lang naman yun ang puwedeng problema, e.”
   
Isa nga raw sa ikinalulungkot ni Sharon ay ang pagkamatay ng isang pinsan ni Kiko na naging malapit sa kaniya.

Aniya, “First cousin niya na ligawan pa lang namin, kasama na namin. Very young, actually.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN