Kisses Delavin wants to see consistency from Marco Gallo

IMAGE Mark Atienza

Kisses Delavin on relationship with loveteam partner Marco Gallo: "It's a bad beginning but we can make a nice ending."


Hindi napigilang maging emosyunal ng Star Magic artist na si Kisses Delavin sa press conference ng pelikulang Loving in Tandem noong Linggo, September 4.

Natanong kasi muli sila ng ka-love team niyang si Marco Gallo tungkol sa nangyari sa kanila noong housemates pa sila sa Pinoy Big Brother Season 7.

Matatandaang umamin noon si Kisses na nahulog ang loob niya kay Marco, na una niyang naging malapit na kaibigan sa loob ng Bahay ni Kuya.

Subalit nasaktan siya dahil unti-unting lumayo ang loob sa kanya ng binata, na noong panahong iyon ay naging mas malapit sa housemate nilang si Vivoree Esclito.

Bagamat itinuturing ni Kisses na tapos na ang isyung ito, hindi raw niya naiwasang maluha nang matanong tungkol dito.

Paliwanag niya, “May mga bagay kasi na hindi namin pinag-uusapan ni Marco.

“I guess, na-provoke kami, kasi siyempre yung press, and there are some questions that I really avoid, na ayaw ko nang maalala, ayaw ko nang mapag-usapan.

"Pero wala, e, tinanong..."

Inihalintulad pa niya ang sitwasyon sa isang nabasag na salamin.

Sabi ni Kisses, “Well, kasi parang glass 'yan, e, yung mga bubog, lilinisin mo, pero may matitira at matitira pa rin.”

Diretsang tinanong si Kisses kung may natitira pa siyang pagtingin kay Marco.

Paiwas niyang sagot, “I don't think I'm ready to answer that.”

Sa kabila ng hindi magandang umpisa ng kanilang samahan, umaasa naman si Kisses na magiging mabuti na ito ngayon.

“It's in the past. Pero now, I see a new beginning.

"Sometime things break para ma-recreate all over again."

CONSISTENCY. Sa press conference, inihayag ni Marco na handa siyang ipaglaban si Kisses.

“I think that she doesn't have to worry about kung sabihin niya sa akin na may gusto siya,” sabi pa ng binata.

Nang tanungin kung may posibilidad na ligawan niya ang ka-love team, sagot ni Marco, “I think someday... If we will continue like this every day, I think... Sino ba ang hindi mapu-fall?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Kisses, gusto niyang makita kay Marco ang consistency sa mga sinabi nitong “tiyaga at effort” para makuhang muli ang loob niya.

Pahayag ng dalaga, “Right now, I want really consistency.

“Kasi, I build my walls really high para makita ko kung sino talaga yung gustong umakyat doon.”

Sumabat si Marco at nakangiting sinabi, “Aakyatin ko yun. Nagawa ko yung six military tasks kaya ko pa 'yan.

“I will. If she's willing to wait.

"Kasi I'm gonna do everything, everything that I can in my power.

"I will do it para malampasan yung wall na yun."

Patuloy naman ni Kisses, “Well, I can say na he's doing effort and naa-appreciate ko yun.

“I just need some time and I need consistency.

“As time passes, I wanna see it's still the same.

“Kasi, I've experienced some people in my life sa past na, mga suitors, na ganito sila.

“Then, the next ano, they lose interest, bahala ka diyan. So, I wanna see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN