Noven Belleza on sexual-assault case: "Iyon ay pagsubok lamang sa buhay."

by Melba R. Llanera
Sep 7, 2017
Noven Belleza on withdrawal of sexual-assault case against him: "Walang tao na walang dumarating na pagsubok sa buhay nila. Hindi naman ibibigay ni Lord 'yan kung di natin kayang lagpasan."

Pagsubok na lamang sa buhay kung ituring ng singer na si Noven Belleza ang sexual-assault case na isinampa laban sa kanya ng isang 19-year-old complainant mula sa Cebu.

Ngunit noong nakaraang linggo lamang ay iniurong na ng complainant ang kaso laban sa “Tawag ng Tanghalan” champion, para na rin daw sa ikatatahimik ng kalooban niya at ng kanyang pamilya.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Noven na natuldukan na ang mabigat na kaso.

“Ayun, sobrang saya,” sambit niya.

“Iyon ay pagsubok lamang sa buhay na lahat ng tao nakakaranas.

“Walang tao na walang dumarating na pagsubok sa buhay nila.

“Hindi naman ibibigay ni Lord 'yan kung di natin kayang lagpasan."

Labis naman ang pasalamat ni Noven sa kanyang pamilya at sa pamunuan ng It’s Showtime at ABS-CBN dahil sa suportang nakuha niya sa mga ito.

Saad niya, “Sobrang thankful ako, nandiyan ang mga staff, ABS-CBN, hindi nila ako binitawan.

“Malaki ang naging papel nila para palakasin ang loob ko, lalung-lalo na sa pamilya ko. Sa Panginoon, maraming-maraming salamat.

Continue reading below ↓

“Inspirasyon ko ang pamilya ko pa rin.

“Kasi maraming dagok, pagsubok ang dumating sa buhay ko, unang-una talaga na malalapitan pamilya ng kahit na sinong tao.”

STORIES WE ARE TRACKING

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Noven sa contract signing nito sa Star Records, sa SRI conference room ng Star Cinema office, ngayong Huwebes, September 7.

Kasama niyang pumirma ng recording contract ang kapwa niya “Tawag ng Tanghalan” contenders na sina Sam Mangubat at Mariel Montellano.

Ilalabas ang kauna-unahang album ni Noven sa ilalim ng Star Records, ang Ako’y Sa Iyo, ngayong Setyembre.

NOVEN’S FAMILY. Ayon kay Noven, hindi pa niya nadadala sa Maynila ang pamilya niya na nasa Negros Occidental.

Aniya, “Ang pamilya ko, mga magulang ko, nasa Negros pa rin sila, kasi mga kapatid ko nag-aaral.

“Kung ililipat ko sila nang biglaan, yung mga kapatid ko, sanay kasing nagsasalita ng Ilonggo, mag-a-adjust pa sa Tagalog, kaya mahihirapan silang mag-aral dito.”

Aminado ang singer na napakalaking pagbabago sa buhay niya ang tanghalin siyang Tawag ng Tanghalan first grand champion.

Continue reading below ↓

“Ako, alam niyo naman dati, na simpleng tao, magsasaka kami ng papa ko.

“Ngayon, sobrang nabago ang buhay ko.

“Dati, hindi namin alam kung saan namin kukunin ang pangangailangan namin sa araw-araw.

"Pero ngayon, nabago na. Nabibigay ko na ang mga pangangailangan ng magulang ko.

“Hindi na sila nagtatrabaho nang sobra-sobra sa katawan nila, dahil ngayon natutulungan ko na sila, lalo na mga kapatid ko.”

Nagbigay naman ng mensahe si Noven sa lahat ng mga sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

“Sa lahat ng Novenatics, sa pamilya ko, sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin na di ako binitiwan anumang mga pagsubok ang dumating sa buhay ko—maraming-maraming salamat po.

“Heto na po ang pinakahihintay natin, sana po suportahan ninyo po ako.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Noven Belleza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noven Belleza on withdrawal of sexual-assault case against him: "Walang tao na walang dumarating na pagsubok sa buhay nila. Hindi naman ibibigay ni Lord 'yan kung di natin kayang lagpasan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results