Angel Locsin responds to hate messages from KathNiel fans over her return to La Luna Sangre

Angel Locsin to KathNiel fans who did not like her comeback in La Luna Sangre: "Kung lahat nang gusto lang tumulong sa kn ganito pala pagdadaanan, nakakalungkot nm. Hindi ko inaangkin, napakiusapan ln. gusto ko sila."


Tila hindi nagustuhan ng ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagbabalik ni Angel Locsin sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

Sina Kathryn at Daniel, o ang KathNiel loveteam, ang mga bida sa teleseryeng ito.

Sa pilot week ng La Luna Sangre noong June 2017 ay nagkaroon ng special appearance sina Angel at John Lloyd Cruz.

Ipinagpatuloy nila ang mga karakter nilang sina Lia at Mateo mula sa dating teleserye na Imortal.

Sina Lia at Mateo ang mga magulang ni Malia, ang karakter na ginagampanan ngayon ni Kathryn.

Pagkatapos ng unang linggo ng La Luna Sangre ay namatay na ang mga karakter nina Angel at John Lloyd sa kamay ni Sandrino, na ginagampanan naman ni Richard Gutierrez.

Ngunit sa episode ng La Luna Sangre nitong Miyerkules, September 6, nagbalik si Angel.

Sa pagkakataong ito ay kilala na siya bilang si Jacintha Magsaysay.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging relasyon ni Jacintha sa kasalukuyang mga karakter sa teleserye.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin on LLS: Hindi naman ako yung makikinabang dito.
Angel Locsin on LLS: Hindi naman ako yung makikinabang dito.
Angel Locsin returns to La Luna Sangre; netizens make memes
Angel Locsin returns to La Luna Sangre; netizens make memes

KATHNIEL FANS SLAM ANGEL. Kaugnay ng pagbabalik ni Angel sa La Luna Sangre, may fans ng tambalang KathNiel ang hindi napigilang ihayag ang kanilang inis sa aktres sa pamamagitan ng Twitter.

Nadismaya ang Twitter user na si @RxoxoKN dahil sa pagbabalik daw ni Angel ay mapupunta rito ang credit ng show.

Baka rin daw isipin ng mga tao na hindi kayang magdala nina Kathryn at Daniel ng isang programa.

Malumanay naman itong sinagot ni Angel.

Pahayag ng 32-year-old actress, “Nung pilot super thank you kayo sakin for supporting kn, bat galit na galit ka ngayon? Lahat ba nang artistang makakasama nila ibabash mo?”

Sinabi rin ng parehong Twitter user na “walang isang salita” si Angel.

Tugon naman dito ni Angel, “Ang sweet mo, tanong mo sa management yan.”

Diin pa ng aktres, “Empleyado lang po ako.”

Ang Twitter user namang si @DUNKASADARNA ay tila nagreklamo sa pagiging bida umano ngayon ni Angel sa La Luna Sangre, samantalang dati ay special participation lamang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi rin niya, “Hindi lahat binabash namin, ask mo si Angge.”

Ang tinutukoy ng netizen ay si Angelica Panganiban, na nakasama nina Kathryn at Daniel sa dating teleserye na Pangako Sa 'Yo.

Sagot ni Angel sa KathNiel fan, “Kung lahat nang gusto lang tumulong sa kn ganito pala pagdadaanan, nakakalungkot nmn. Hindi ko inaangkin, napakiusapan lng. gusto ko sila.”

Sabi naman ng Twitter user na si @Olivelim2, “Try to understnd din po. dmi n ding bash s kn lyk nid 2sve the show.d kyang dlhin un serye etc.”

Cool lang itong sinagot ni Angel gamit ang tumatawang emoticons: "Wala naman akong kinalaman dun. Pahanap yung nagsimula nang issue!"

Sinabi rin ng parehong Twitter user na ang business unit ng ABS-CBN na Star Creatives ang may kasalanan sa negatibong reaksiyon sa pagbabalik ni Angel.

Aniya, “Kng naabisuhn kme ng ms maaga cguro mgiging positive un dting s fans.”

Sagot naman ni Angel, “Di naman kelangan magpaalam nang management kahit kanino.”

Para naman sa Twitter user na si @micmic01306240, ipinaglalaban lang niya at ng kapwa niya fans ang kanilang mga idolong “gamit na gamit” na.

Sabi naman ni Angel, “Eto naman.. di ba ako yung nagagamit? Show nila to eh. para sa kanila. suportahan nyo na lang lalo para mas maging maganda.”

Mayroon din kumutya sa matagal nang pagiging artista ni Angel.

Sabi ni Twitter user na si @asiapopcorn, "Angel Laoscin hahaha ganern Flop nga serye nyan e pati movies wala pang endorsements hahaha."

Buwelta ng aktres sa kanya, "Ay never po akong nagkaflop?? puno na rin po ang bahay ko ng trophies?? loyal rin mga endorsements?? ikaw?"

Sa kabila ng mga negatibong mensahe, may ilan ding KathNiel fans ang nagpaabot ng paumanhin at pasasalamat kay Angel.

Sagot ng aktres, "Mabuti naman. Salamat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN