Jerico Estregan admits to being attracted to Sanya Lopez

IMAGE Glenn Regondola

Jerico Estregan on leading lady Sanya Lopez: "I like her as a person, she's really nice. Physically, she's slim and it looks good on her. Kasi sometimes, the way a person looks physically is when you get to know how healthy the person is."


Aminado ang newbie actor na si Jerico Estregan na attracted siya sa kanyang leading lady sa Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Magkasama ang dalawa sa upcoming movie ng Viva Films na Alamanhig: The Vampire Chronicle.

Pahayag ni Jerico tungkol sa kanyang leading lady, "She’s well-rounded.

"During our scenes, we have less ang awkwardness.

"Madali siyang kausap, mabilis din siyang kausap, mabilis pakiusapan.

"I like her as a person, she's really nice.

"Physically, she's slim and it looks good on her.

"Kasi sometimes, the way a person looks physically is when you get to know how healthy the person is.

"So, she's slim."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerico sa pocket presscon para sa pelikulang Alamanhig, sa Viva Studio, noong September 5.

IS SANYA HIS TYPE? Si Sanya ba ang tipo ng babaeng type niya?

Nakangiting pag-iwas ni Jerico sa tanong, "She's a good friend of mine.

"We don't have much time for us to make more friendships outside.

"And overtime, that's when you get to know the person more eventually.

"Hindi ko pa tina-try kasi baka busy rin siya ngayon, e."

Pero puwede naman daw ito magawan ng paraan.

Saad pa ni Jericho, "Sabi nila, love can find a way.

"But sometimes, love finds the way. Posibleng may ganun.

"Kasi, she just greeted me during my birthday last August 30.

"Binati niya ako, hindi niya ako nakalimutan."

Dugtong pa ng anak ni dating Laguna Governor Jorge "E.R." Ejercito, "Okey naman siya. She's humble.

"Potential... potential girlfriend."

Kung sakaling i-pursue niya si Sanya, sa tingin ba niya ay magugustuhan ng kanyang pamilya ang Kapuso actress?

Sagot ng Viva actor, "Magugustuhan. Magugustuhan naman.

"I think kasi, ang first stage of approval, siyempre ako muna.

"Kailangang ma-meet ko yung affirmation, kung magma-match ba kami.

"So, okey na sa akin kung mag-match kami. Yung second approval, sa family ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHEMISTRY. Sa tingin ba niya ay may chemistry naman ang personalidad nilang dalawa?

Tugon ni Jerico, "Meron naman. Meron naman siyang chemistry.

"I also think na baka mutual, but I think we lack overtime, kasi nabibi-build up naman ang friendship in the long run.

"Sa ngayon, friends na muna.

"Dun naman kasi nagsisimula 'yan.

"Pero, why not? Why not, it's okay."

Sa tingin ba niya ay papasa naman kaya siya kay Sanya?

Nakangiting pagbibida ni Jerico, "I guess naman, if given the chance, I have a passing chance naman to be one of her suitors.

"I think may ano naman... puwede, puwede.

"Kasi kahit busy siya, at busy ako, there are things na puwede kong namang i-share sa kanya.

"Kasi that's how we build friendship, e.

"Then we can talk about and see kung magdya-jive kayo.

"Kung magdya-jive kami, puwede, puwede na siguro ituloy ang panliligaw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN