Gary Valenciano admits to being a Maine Mendoza fan; Maine overwhelmed

IMAGE Instagram

Gary Valenciano posts a photo with Maine Mendoza and says he is a fan of the Kapuso artist. 


Nagpaka-fan si Gary Valenciano kay Maine Mendoza nang i-post ng veteran singer ang picture nilang magkasama sa Instagram ngayong Biyernes, September 8.

Sa caption, sinabi ni Gary na ito ang unang pagkakataong nakaharap niya si Maine at lumabas daw ang pagiging fan niya.

“And I had a hard time hiding my being a fan,” bahagi ng caption ni Gary.

Hindi binanggit ng tinaguriang Mr. Pure Energy kung saan sila nagkita ng Kapuso star.

Galak na galak naman ni Maine sa pahayag ni Gary.

Malaking bagay raw ito sa kanya.

Sa comments section ng post ni Gary, pinasalamatan din ni Maine ang veteran singer sa “kind words” nito.

“Thank you very much for the kind words earlier, nakakaoverwhelm po! coming from THE Gary Valenciano.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN