John Lloyd Cruz calls Ellen Adarna "baby" during Cebu getaway

IMAGE Courtesy: @doreenting on Instagram

Kasalukuyang nasa Daanbantayan Island sa Cebu sina John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, at ilang kaibigan ng huli.


Patuloy pa rin ang bakasyon grande ng rumored couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa Sta. Fe, Daanbantayan Island, Cebu, kasama ang ilang kaibigan.

Isang private resort ang tinutuluyan nina John Lloyd at Ellen, kaya base sa mga Instagram stories na ipinost ng isang kaibigan ni Ellen na si Doreen Ting, casual at relaxed ang mood ng aktor.

Ayon sa Facebook exchange ng writer na ito kay Doreen, kuha ang mga videos habang nagkakasayahan sila.

Katulad na lamang sa video na ito kung saan makikitang naglalaro si John Lloyd ng kutsilyo habang nagbabalat ito ng luya.

John Lloyd courtesy @doreenting ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

#JohnLloydCruz courtesy @doreenting ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

#JohnLloydCruz courtesy @doreenting ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

May isa namang video kung saan sinabi ni John Lloyd na gusto niyang magpalitrato katabi ng gasul.

He can't breathe dawww???? Kulit mo baby boy hahahahah para kang bata

A post shared by Doreen Ting (@doreenting) on

#JohnLloydCruz courtesy @doreenting ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

Kuha naman ito habang nagsasayaw si John Lloyd sa beachfront ng resort na tinutuluyan nila.

#JohnLloydCruz courtesy @doreenting ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

Sa isang video, tinawag na “baby” ni John Lloyd si Ellen, habang naghihiwa ng sibuyas ang aktor at naghahanda ng lechon paksiw ang aktres.

Narito ang audio ng kanilang pag-uusap.

Doreen: "Ellen's specialty, paksiw [na lechon].

Ellen: "That's what he likes..."

Doreen: "Uy, stop arguing uy, samok [kulit]."

Doreen to JL: "Sige ha, masamad [masugatan] ka na naman ulit."

Ellen: "Thats what he likes."

JL: "I'm just saying, baby, I'm just saying, okay?"

Ellen: "Okay."

#JohnLloydCruz #EllenAdarna courtesy @doreenting ????

A post shared by Arniel C. Serato ????™ (@arnielcserato) on

Nagsimulang maging viral ang mga videos na ito kahapon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN