Camille Prats unwittingly offends JaDine fans with retweeted blog post

IMAGE @camilleprats / @charlieshotme on Instagram

Camille Prats addressed the backlash she received from JaDine fans on Friday night, September 8, because of a blog post about live-in relationships that she retweeted.


Umani ng batikos si Camille Prats mula sa ilang fans nina James Reid at Nadine Lustre, o kilala bilang JaDine, nitong nakaraang Biyernes, September 8.

Sa simula, ipinagtaka ni Camille kung bakit ito nakakatanggap ng negatibong reaksiyon mula sa fans ng Kapamilya love team. 

Halos 25 years nang nasa showbiz si Camille, at bihirang-bihira itong masangkot sa anumang kontrobersiya o away.

Ang tweet ni Camille, "Where is all the hate coming from? I don't remember saying anything bad abt a famous loveteam. #confusedtothehighestlevel"

Itinuro ng ilan sa JaDine fans ang ni-retweet niyang blog post na may titulong You Are Worth Standing in the Altar With

Tungkol ito sa live-in relationships na inilabas noong Hulyo, kasunod ng "so what?" na pahayag ni Nadine nang tanungin tungkol sa balitang live-in na sila ng boyfriend na si James.

Sa retweet ni Camille, in-encourage ni Camille ang mga kabataan na basahin ang blog na ito.

Aniya, "To all the young ones out there, this one's for you. 'You are worth pursuing. You are worth loving...'"


Nang balikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Twitter page ni Camille, burado na ang nasabing retweet.

Ngunit ilang fans ang nakapag-save at nag-upload ng screen shot nito.

May isang fan na sinabihang "judgmental" ang Kapuso actress.

Sa sunud-sunod na tweet, ipinaliwanag ni Camille na wala siyang pinatatamaan sa kanyang retweet.

Bagkus daw ay sumasang-ayon lang ito sa nais iparating ng sumulat ng blog.

Pahayag niya, "Sa mga bagets na gumagawa ng issue, I think this is the one you are referring to. It's a blog post that I reposted.

"I don't remember saying anything offensive towards your idol. I'm a fan of their show, too. I have no idea why her photo is there, it was not there when I reposted it.

"I don't recall saying anything offensive nor did I mention any names. I just simply agreed with it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Goodnight! And happy weekend!"



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN