Ai-Ai delas Alas reveals wedding entourage: Marian, Sharon, Alden included

IMAGE Jojo Gabinete

Ai-Ai delas Alas (shown with fiancé Gerald Sibayan and their respective families) revealed names of celebrities included in her wedding entourage for her wedding on December 12. "Si Marian ang veil sponsor. Si Sharon Cuneta ang matron of honor, at si Sophia [Ai-Ai's daughter] ang maid of honor. Best men si Sancho [her son] at si Alden Richards, pati ang best friend ni Gerald na si Kenneth."


Ipinagkatiwala ni Ai-Ai delas Alas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa mga detalye tungkol sa December 12 church wedding nila ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan.

Ang fashion designer na si Frederick Peralta ang gagawa ng gown ni Ai-Ai. Ayon sa komedyana, regalo raw ito sa kanya ng kanyang kaibigang si Marian Rivera.

Makulay ang motif ng Delas Alas-Sibayan nuptials dahil gusto ni Ai-Ai na masaya ang araw ng kasal nila ni Gerald.

Ang direktor na si Louie Ignacio ang in charge sa hand-painted veil ng Comedy Queen at si Edwin Tan ang designer ng suit na gagamitin ng groom.

“White ang gown na isusuot ko.

“Parang flowery, basta colorful ang motif.

“Mahaba ang train ng gown.

“Baka nasa altar na ako, nasa entrance pa rin ng simbahan ang train.

“Si Marian ang magbabayad, e.

“Sa kanya ipadadala ni Frederick ang bill. Si Frederick ang gagawa dahil dati na niya akong binibihisan.

“Si Marian ang veil sponsor. Si Sharon Cuneta ang matron of honor, at si Sophia [Ai-Ai’s daughter] ang maid of honor.

“Best men si Sancho [her son] at si Alden Richards, pati ang best friend ni Gerald na si Kenneth.

“Yung mga ninong at ninang, ibibigay ko na lang sa inyo ang listahan, ang haba e,” lahad ni Ai-Ai na mararanasan sa unang pagkakataon na ikasal sa simbahan.

“Napakarami pala na dapat asikasuhin, lalo na kung meron kang previous na kasal.

“May CENOMAR [Certificate of No Marriage Record], tapos kailangan ng birth certificate, kumpil, binyag.

“Si Gerald, walang kumpil. Kinumpilan siya noong September 8.

“Kailangan kasi, requirement.

“Basta ang dami, kailangan kong pumunta sa ganito kasi two times kang magse-seminar the whole day.

“E, hindi ako puwede ng Saturday, Sunday dahil sa Sunday Pinasaya, so sa ibang araw kami pupunta ni Gerald,” detalye pang kuwento ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MORE BASHERS. Masaya rin daw siya dahil wala nang bashers ang relasyon nila ni Gerald.

Aniya, “Excited ako dahil first time ko na ikakasal sa simbahan, at saka parang, kumbaga sa faith ko, wala na akong pagkakamali dahil ikakasal na ako.

“Wala na rin akong bashers.

“Tanggap na nila.

"Siguro na-prove nila na hindi lang etchos-etchos ang relasyon namin ni Gerald.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN