John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos: apologies, but no regrets

by Nerisa Almo
Nov 25, 2017
John Lloyd Cruz on his viral videos: "No regrets babies just life revealing its raw beauty."

Humingi ng paumanhin ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz kaugnay ng viral videos niya sa social media.

Kuha ang mga video na ito mula sa four-day vacation nila ng aktres na si Ellen Adarna, kasama ang ilang pang mga kaibigan, sa Virgin Island, Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu.

Sa kanyang Instagram account ngayong Lunes, September 11, nag-post ng isang maiksing mensahe si John Lloyd.

Continue reading below ↓

Hindi man direktang tinukoy ng aktor kung para saan ang paghingi niya ng paumanhin, partikular na sa "little boys & girl," malinaw na may kinalaman ito sa kanyang viral videos.

Pahayag ng 34-year-old actor, “diz iz mi lerning. very humbling but i do apologize to the little boys & girls. no regrets babies just life revealing its raw beauty.”

Nitong weekend ay kumalat ang ilang Instagram stories ng matalik na kaibigan ni Ellen na si Doreen Ting, kung saan makikita si John Lloyd na tila lasing, habang kumakanta, sumasayaw, at kung anu-ano pa ang ginagawa.

Ang mga video na ito ay nag-expire sa IG Stories matapos ang 24 oras. Ngunit may ilang netizens ang nakapag-save nito at ni-repost sa social media.

Samantala, tiniyak ng isang source sa PEP.ph (Philippine entertainment Portal) na ang mga kumalat na video ay “clean fun” lamang sa pagitan nina John Lloyd, Ellen, at barkada nila habang nagbabakasayon.

Sabi pa ng source, “He’s very happy lang to do normal things na nagagawa ng isang ordinaryong tao.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on his viral videos: "No regrets babies just life revealing its raw beauty."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results