Janella Salvador admits rift with mom Jenine Desiderio

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Janella Salvador, totoong may pinagdadaanan sila ng inang si Jenine Desiderio. Pero alam niyang darating ang araw na magkakaayos din sila.


Nagsalita na sa wakas si Janella Salvador tungkol sa hidwaan nila ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Hindi man niya tuwirang ikinuwento ang dahilan ng kanilang away, aminado ang Kapamilya young actress na may hindi nga sila pagkakaintindihan.

Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ang usap-usapang may kinalaman ang ka-love team niyang si Elmo Magalona sa alitan nila ng ina. Ayaw nga ba ni Jenine kay Elmo?

Tugon ni Janella, “Hindi naman sa ayaw.

"I think ang problem lang talaga is… mothers are really protective when it comes to their children.

"So, whoever... kung sino man ang lumapit diyan, gusto nila i-make sure na worthy and all.

“She's just being a mother and she really wants to know him or whoever man.”

Dahil ba kay Elmo kaya sila nagkatampuhan ng kanyang ina?

“Hindi naman sa nagkatampuhan.

"Basta we're just going through normal things that a mother and daughter go through.

“Huwag na muna nating pag-usapan yung mom ko,” pag-iwas ng 19-year-old actress-singer.

Noong July 19 ay nag-rant sa Twitter si Jenine dahil daw sa katigasan ng ulo ng anak.

Sinabi pa niyang dalawang simple at basic rules lang ang kanyang pamantayan sa kanilang bahay, ngunit hindi raw ito nasusunod ng anak.

Diretsahang tinanong ng PEP si Janella kung matigas ba talaga ang ulo niya.

Tugon niyang may halong pakiusap, “Stop na natin 'yang ano about my mom.”

Nagulat ba siyang idinaan ng ina sa Twitter ang galit nito sa kanya?

Sagot ni Janella, “Siyempre lahat naman tayo nagulat.

"I’d rather not make a statement about it. Ayokong lumaki yung...

"I don’t want to make this thing bigger, kasi I believe naman malapit na namang maging okay."

Sa tingin niya, maaayos ang kanilang hidwaan sa nalalapit na panahon?

“Well, eventually, I believe everything will gonna be okay naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, in the end, she is still my mother. Maaayos. Maaayos.

"In God's time, maaayos siya," pahayag ni Janella.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella sa contract signing niya sa Regal Entertainment, Inc., sa Valencia Events Place, Quezon City, ngayong Martes ng tanghali, September 12.


Stories We Are Tracking

Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella
Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella
Janella insists she and Elmo are not yet an item
Janella insists she and Elmo are not yet an item

NOT RUSHING. Three-year, four-picture contract ang pinirmahan ni Janella sa Regal Entertainment, Inc., ang film company na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.


Sa contract signing, napag-usapan ang kasalukuyan nilang ginagawang pelikula ni Elmo, ang My Fairy Tail Love Story.

Inamin ni Janella na hindi niya matitigan ang kapareha kapag may topless scene ito.

Nahihiya raw siyang makakita ng katawan ng lalaki, pero aminado siyang nagguguwapuhan siya kay Elmo.

Hindi pa naman daw nagsasabi sa kanya si Elmo na liligawan siya, ngunit ayon kay Janella, “We are happily working together. We’re not rushing things.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN