Solenn Heussaff on plans to have baby with husband Nico Bolzico: "Aso na lang muna."

IMAGE Rose Garcia

Solenn Heussaff and Nico Bolzico do have plans of having a baby in the near future, but for now, the couple are focused on their respective careers. Asked if there's pressure on them to become parents now that her brother Erwan and Anne Curtis are getting married, Solenn replies: "A, no, sabi [ni Erwan] mga two years pa. So, gusto ko sabay para same ang age."


Masaya si Solenn Heussaff na may mga kasunod na agad siyang proyekto sa GMA Network pagkatapos ng telefantasyang Encantadia

Ito ay ang primetime series na Alyas Robin Hood at ang bagong weekly game show na All Star Videoke.

"I'm super happy!" bulalas ni Solenn.

"Bagong contract din kasi kakasa-sign ko lang.

"Ang tagal na, six years," pagtukoy niya sa pagiging contract star sa Kapuso network.

Wala naman daw magiging problema kung sakali mang magdesisyon sila ng Argentine husband niyang si Nico Bolzico na magkaanak.

Sabi ng 32-year-old actress-TV host, "I'm at the age naman na, and GMA naman is not the type like that.

"So, feel ko, kung mangyayari yun in the future, and in the contract pa rin ako, mag-e-extend na lang or freeze muna."

Pero wala pa raw silang planong magka-baby sa ngayon.

"I have to work first.

"I have two nephews na makulit. Okay na.  

“After one day, sakit ng ulo ko.  

“Aso na lang muna!" natawang biro pa niya.

Isang taon pa lang kasal sina Solenn at Nico.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa taping ng Alyas Robin Hood noong September 7.

ERWAN & ANNE. Ngayong malapit na ring ikasal ang kapatid niyang si Erwan Heussaff kay Anne Curtis, hindi kaya maunahan pa sila ng dalawa magkaroon ng anak?

Sagot ni Solenn, "A, no... sabi [ni Erwan], mga two years pa.  

“So, gusto ko sabay, para same ang age.  

“Para kapag may bakasyon, we can do the same thing.

“Minsan mahirap. Like, yung sister ko nasa Japan, sabi ko, 'Let's do this, let's do that.' 

"Tapos sabi niya, ‘Nakalimutan mo ba may anak ako? Hindi ko kayang gawin 'yan.’

“So, we'll always compromise.

“So, kung same age lahat sila, [hindi problema] di ba?"

BUSY BEES. Aminado si Solenn na halos wala siyang pahinga ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila raw ng mister niya ay madalas abala sa endorsement shoots, kung saan karaniwan silang magkasama.

Kuwento ni Solenn, "So far, seven days a week.

Trip Pinas, Taste Buddies, All Star Videoke, mga endorsements ko...  

“Marami rin [akong] endorsement with my husband.

“Yun lang ang time that I only get to see him.

"Buti nga, we work together now."

Sino ang tumatayong manager ni Nico?

"Ako!" mabilis niyang sagot. "Ako at minsan si Leo [Dominguez].

“Minsan may text ako, requirements for Nico.  

“Sabi ko, ‘Uy, hayop ka, ha, pati requirements sa akin?’”

Hanggang commercials lang daw talaga si Nico dahil hindi ito pang-showbiz.

“Kapag walang lines at sasabihin ng director, 'Eto ang gagawin mo, adlib ka lang,’ nakakatawa talaga siya.  

“Pero kapag may lines… Nag-shoot kami ng Globe kahapon, naku, ang bagal!"

Sabi pa ni Solenn, "Ayoko nang pareho kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN