Luis Manzano clarifies report he refused to co-star with ex-GF Angel Locsin in a show

IMAGE Noel Orsal

"Huwag na nating idamay ang pangalan niya, baka mamaya sabihin nanggagamit ako. May sarili siyang buhay, so hayaan natin siya," replies Luis Manzano when pressed to comment on Angel Locsin and rumored boyfriend Neil Arce.


Nilinaw ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano ang lumabas na balitang tinanggihan daw niyang makasama ang ex-girlfriend na si Angel Locsin sa next season ng talent search na Pilipinas Got Talent (PGT).

Ayon kay Luis, hindi pa sigurado kung ano mangyayari sa show. Hinihintay pa raw niya ang desisyon ng pamunuan ng ABS-CBN.

Pahayag niya, “Basta kung ano ang sabihin ng management.

“Walang tama o maling sagot diyan, pahahabain ‘yan.

“Basta ako, kung magpi-PGT ako, ako, I’m waiting to see.

“Basta sinabi ko naman sa management kung ano ang mas tama. 

“I’m waiting for the answer.

“Kung ano ang sagot ko diyan, pahahabain pa 'yan ng ibang mga tao, so okay na ‘yan.

“Basta ako, pag nakita ninyo ako sa PGT, e, di PGT. Pag hindi, e, di hindi.

Ayaw na ring magkomento ng 36-year-old Kapamilya star tungkol kay Angel at sa rumored boyfriend nitong si Neil Arce.

“Huwag na nating idamay ang pangalan niya, baka mamaya sabihin nanggagamit ako.

“May sarili siyang buhay, so hayaan natin siya.

“Hayaan ninyo ako, di ba?

“The same way naman… I don’t think naman.

“Let her be, let us be,” saad ni Luis, na ngayon ay masaya sa relasyon nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa set ng It’s Showtime noong Lunes, September 11.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin admits to being in love with Neil Arce
Angel Locsin admits to being in love with Neil Arce

JOKE GONE WRONG. Nanalo si Luis bilang Darling of the Press sa 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Reaksiyon niya rito, “Thankful, kasi sinasabi nga nila, dati pa ako nanu-nominate, and this time, napunta sa akin ang award.

“Sabi ko nga sa speech ko, I grew up with the press.

“Kung anuman ang pagmamahal na ipinakita nila sa mommy at daddy ko nung bata pa lang ako, ganun din ang pinakita nila sa akin, so thank you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m very thankful na naambunan ako kahit papaano nung pagmamahal na ipinakita nila sa pamilya ko."

Si Luis ay anak ng dating mag-asawa na sina Vilma Santos at Edu Manzano.

Pero nabahiran ng intriga ang pananalo ng award ni Luis dahil sa ginawang pagbibiro ni Alex Gonzaga, isa sa mga host ng gabing iyon.

Tinanong ni Alex on stage kung magkano raw kaya binili ng Luis ang napanalunang award.

Ano ang masasabi ni Luis dito? Hindi ba siya napikon sa sinabi ni Alex?

Saad niya, “I understand naman.

“Unang-una, dun sa mga nakakakilala sa amin ni Alex, mas brutal pa kaming magbiruan.

“But I also explained sa mga friends natin sa press na ganun kami magbiruan nun, mas brutal pa. 

“Siguro nagkataon lang na may naisip siya punchline, binato niya, saka lang niya naisip na, ‘Oo nga pala, ito ang magiging repercussions.’"

Sigurado daw si Luis na walang masamang ibig sabihin si Alex sa binitawang biro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN