UPDATED. Amy Perez rants about bad experience with valet service of "world-class" hospital

IMAGE Noel Orsal

Kapamilya TV host Amy Perez shares her bad experience with the valet service of a private hospital through Facebook.


Ibinahagi ng It’s Showtime host na si Amy Perez sa kanyang Facebook account ang amusing but sad anecdote tungkol sa valet driver ng St. Luke’s Medical Center, sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Naka-confine ang bunsong anak ni Amy at ng television news reporter na si Carlo Castillo sa nabanggit na ospital.

Ang dash cam sa kanilang sasakyan na hindi napansin ng valet driver ang matibay na ebidensiya sa ginawa nito sa kotse ng Castillo couple.

Kuwento ni Amy sa kanyang Facebook post kahapon, September 12, “Si kuyang valet nabuking na kung saan-saan inikot ang kotse at pinamalita pa kung kanino ang car, di n’ya napansin na may dash cam pala. Ayun, huli! Yan ang world class.”


Umani ng sari-saring komento mula sa kanyang mga kaibigang showbiz personalities ang Facebook post ni Amy.

May mga nagpayo sa kanyang i-report sa hospital administration ang insidente.

Sabi naman ng TV host-actress, ito ang unang ginawa ng mister niya nang mapanood nila ang dash cam video.

Nabasa naman ng mister ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz na si Orion Casareo ang karanasan ni Amy, kaya ibinahagi rin nito ang nangyari sa kanyang sasakyan sa naturang ospital.

Sabi ng mister ni Angelika, “Hassle valet sa St. Luke’s. They rearended my car before then di nila sinabi. Nagulat na lang ako sa bahay may mga scratches na when I got home.

“Stupid, I did not notice sa St. Luke’s. I went back to St. Luke’s and asked them.

"Still denying, when we reviewed CCTV, nakita na nabangga nila ang car. They paid for the damages. Hassle."

Sagot dito ni Amy: “Nakakapikon di ba? Kaya sabi ko tanggalin na ang tagline nila na world class.”


Kaugnay nito, nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa pamunuan ng St. Luke's Medical Center, sa pamamagitan ng email, upang kunin ang kanilang panig sa pahayag ni Amy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At press time ay wala pa kaming nakukuhang kasagutan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN