Bong Revilla 'killed' by Internet again: "BUHAY NA BUHAY po ako."

IMAGE Mark Pimentel

Former Senator Bong Revilla on latest death hoax: "Sa ganitong aspeto ay nagpapasalamat pa ako sa may-akda ng balitang ito (na isang malaking kasinungalingan). Ngunit pinapatawad na kita, kayo, kung sino man na may kagagawan nito. At nawa'y bigyan kayo ng tunay na kasiyahan sa inyong buhay ng Panginoon Diyos, dahil mukhang salat na salat kayo nito, kung kaya't tila katuwaan na at kaligayahan nyo na ang magdulot ng sama ng loob sa ibang tao."


May kumalat na balita kahapon, September 12, na pumanaw na raw si former Senator Bong Revilla Jr. dahil sa heart attack.

Mabilis na nakarating kay Bong ang pekeng balita tungkol sa kanya, kaya naglabas siya ng statement para mapanatag ang kalooban ng mga nagmamahal sa kanya at ng supporters niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong "pinatay" sa balita ang dating senador.

Mensahe ng 50-year-old actor-politician, “Sa mga taong ako po ay patuloy na ‘pinapatay’ na, patawarin kayo ng Diyos.

“Muli sa araw na ito ay ‘pinatay’ na naman ako sa atake sa puso ng mga walang magawang mga tao kundi ang magdulot ng sama ng loob at magkalat ng kasinungalingan.

“Kung sabagay ay may kasabihan na kapag ang isang tao raw napabalitang patay na, ngunit buhay na buhay naman, ay lalo lamang lumalawig ang kanyang buhay.

“Sa ganitong aspeto ay nagpapasalamat pa ako sa may-akda ng balitang ito (na isang malaking kasinungalingan).

“Ngunit pinapatawad na kita, kayo, kung sino man na may kagagawan nito.

“At nawa'y bigyan kayo ng tunay na kasiyahan sa inyong buhay ng Panginoon Diyos, dahil mukhang salat na salat kayo nito, kung kaya't tila katuwaan na at kaligayahan nyo na ang magdulot ng sama ng loob sa ibang tao.

“Sa mga patuloy na nagmamahal sa akin, BUHAY NA BUHAY po ako. At patuloy ko rin kayong minamahal.”

May mensahe rin si Bong sa mga nasalanta ng bagyong Maring sa Pilipinas at sa hurricane Irma sa Amerika.

Aniya, “Nakikiramay ako sa mga nasalanta ng bagyo dito sa atin at sa Florida, USA.

“Nawa'y tumigil na ang ulan at umalis na ang bagyo.

“God bless us all in these trying times. Amen.”

Kasalukuyan pa ring naka-detain si Bong sa PNP Custodial Center dahil sa pagkakasangkot niya sa pork barrel scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN