Sam Concepcion leaves Star Magic for Viva; willing to work with Anne Curtis

IMAGE Carlo Orosa Instagram

Sam Concepcion on ex-girlfriend Jasmine Curtis Smith: "I think the important thing is we're good now and happy and open with other relationship. We don't get to talk. I don't really see her."


Handa raw si Sam Concepcion na makasama sa isang proyekto si Anne Curtis, ang nakatatandang kapatid ng ex-girlfriend ng singer-actor na si Jasmine Curtis Smith.

Ito ay dahil pumirma na rin si Sam ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA), kung saan isa si Anne sa prized talents nito.

“Why not? Oo naman, I would love that,” mabilis na sagot ni Sam nang tanungin tungkol sa posibilidad na pagsasama nila ni Anne sa isang movie project.

Three years ago, nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa dahil sa balitang hindi boto si Anne kay Sam, na boyfriend noon ni Jasmine.

Humantong din sa paghihiwalay ang relasyon nina Sam at Jasmine.

Ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Kiana Valenciano na ang girlfriend ngayon ng 24-year-old singer-actor.

Mula naman sa Ortega clan ang current boyfriend ni Jasmine.

“If I see her, of course, sa ABS, I say hi. Okey naman,” sabi pa ni Sam tungkol kay Anne.

Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ni Jasmine?

“I think the important thing is we're good now and happy and open with other relationship.

“We don't get to talk. I don't really see her,” sabi ni Sam sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

GOODBYE STAR MAGIC, HELLO VIVA. Pumirma si Sam ng co-management contract sa Viva Artists Agency kahapon, September 12.

Thank you for the warm welcome co partners @vivaartistsagency @viva_films #Viva????StagesSam

A post shared by Carlo Orosa (@carloorosa) on

Ayon sa manager niyang si Carlo Orosa, maayos ang pagpapaalam nila sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Pahayag ni Carlo, “We are very thankful to Star Magic.

“Alam naman nila, saka hindi na kami nag-renew with them for another term.

“We are very thankful to them for the many years given to Sam... the break.”

Excited naman si Sam sa bagong chapter ng kanyang career at sa mga pelikulang gagawin niya sa Viva Films.

Saad niya, “Pagdating sa films, marami pa siguro akong hindi nagagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami pang challenges na puwede kong i-take at gawin, whether it be drama, comedy or action.

“I'm willing and ready to do all of those.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN