Meg Imperial quickly adapts to Kapuso network

IMAGE Noel Orsal

Meg Imperial on working with Kapuso stars: "Happy naman dahil mababait sila sa akin, inaalagaan naman nila ako."


Madaling nakapag-adjust si Meg Imperial mula nang lumipat siya sa GMA Network, galing sa ABS-CBN at TV5.

Mabuti na lamang daw at magaan katrabaho ang Kapuso stars na nakakasama niya, katulad ng kanyang co-stars sa bagong primetime series na Super Ma'am.

Ayon sa 24-year-old actress, “Actually, hindi ko in-expect [na madali].

"Siyempre, as a newbie here sa network na 'to, sobrang ini-expect ko na mao-awkward ako o mahihirapan akong makisama.

“Kasi, of course, kilala na nila ang lahat, ako na lang yung makikisama ulit.

“Hindi naman ako nahirapan, kasi when I was starting pa lang, bata pa lang ako, I used to be in GMA.

“Pero yung nag-uumpisa pa lang ako nun, and I know some people na rin naman.

“Happy naman dahil mababait sila sa akin, inaalagaan naman nila ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa press conference ng Super Ma'am, noong Lunes, September 11.

MARIAN RIVERA. Isa sa mabilis na nakagaanan ng loob ni Meg ay ang lead star ng Super Ma'am na si Marian Rivera.

Pero inamin ni Meg na noong una ay hindi niya alam kung paano lalapitan si Marian.

Kuwento niya, “Kinakabahan ako at first.

"First day ko, I don't know what to do. Magha-hi ba ako or something.

“Nag-hi ako kasi I want to look friendly and approachable.

"Kasi, may tendency to look mataray ako, so sabi ko mag-a-approach ako.

“True enough naman, Ate Yan is so approachable din, naka-smile naman siya.

"Nakagaanan ko naman ng loob si Ate Yan.

“Nagkukuwento kasi si Ate Yan, e. Nagse-share siya ng experience niya noong nag-uumpisa pa lang siya.

"Nakaka-relate ako sa kanya kasi I started noong nagta-talent lang before."

Sabi pa ni Meg tungkol sa buong cast ng show, “It's a like a family now kahit nag-uumpisa pa lang kami.”

SECOND SHOW. Ang Super Ma'am ang ikalawang teleserye ni Meg mula nang lumipat siya sa GMA-7 ngayong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang una niyang proyekto ay ang afternoon drama series na D' Originals, na natapos noong unang linggo ng Hulyo.

Aniya, “Ginawa ko naman yung best ko sa D' Originals.

"I think napansin din naman nila yun and I'm happy na ganun."

Bagamat nasa Kapuso network siya, nilinaw ng Viva artist na wala pa siyang pinipirmahang exclusive network contract.

Pero nagpapasalamat si Meg dahil binigyan pa rin siya ng trabaho ng GMA dahil, aniya, “Ayaw ko naman na matengga ako.

“Alam mo naman sa showbiz, kapag wala kang show, nakakalimutan ka rin kahit gaano kalaki ang show na ginawa mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN