Iya Villania still can't believe she is friends with Judy Ann Santos

IMAGE Noel Orsal

Iya Villania can't believe she's rubbing elbows with Judy Ann Santos. She gushes, "Kahit kaibigan na namin, para sa akin, si Judy Ann Santos pa rin 'yan, e. Naa-amaze pa rin ako."

 


Manghang-mangha ang Kapuso TV host-actress na si Iya Villania sa Kapamilya actress-TV host na si Judy Ann Santos.

Malapit na kaibigan ni Iya at ng mister niyang si Drew Arellano si Judy Ann at ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.

Magkasama sina Drew at Ryan sa motorcycle group na The Brap Pack, kung saan kabilang din ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales.

Ayon kay Iya, ilang beses na siyang nakapunta sa bahay ng mga Agoncillo.

Kuwento niya, “Never, never in my life did I think makaka-rubbing elbows ako kay Judy Ann Santos.

“Wala akong masabi sa kanya, siya na nga yung nag-imbita, tapos siya pa yung trabaho nang trabaho sa bahay.

“Yung nahihiya ako na parang, ‘Puwede bang tumulong ako? Meron ba akong puwedeng gawin?’

“Nakakahiya, e, pero gusto niya na siya yung kilos nang kilos.

“Ako naman, ‘Puwede ba umupo ka, i-enjoy mo naman itong ano…’

"Pero, I guess, iyon yung happiness niya.

“Natutuwa ako kasi hanggang ngayon, kahit kaibigan na namin, para sa akin, si Judy Ann Santos pa rin 'yan, e.

“Kahit kaibigan namin, naa-amaze pa rin ako at nahihiya pa rin ako sa kanya.”

Hanga rin daw si Iya sa pagpapalaki nina Judy Ann at Ryan sa tatlong anak.

Aniya, “Their family setting, ang ganda! Parang I would love to raise a child or more children kapag ganun.

“Sina Yohan, Lucho, si Luna—they’re so fun-loving, they’re fearless, they’re full of adventure.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iya sa taping ng Kapuso primetime series na My Korean Jagiya, sa Antipolo City, nitong September 6.

HANDSOME XANDER. Nagguguwapuhan daw si Iya sa male lead ng My Korean Jagiya, ang Korean actor na si Alexander “Xander” Lee.

Sabi niya, “Natutuwa ako kay Xander… guwapo na nga siya sa Korea, pero parang lalo siyang nagka-appeal nung dumating siya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung bakit, kung paano nangyari, parang lalong gumuwapo, paano nangyari iyon?”

Alam ba ni Drew na naggaguwapuhan siya kay Alexander?

“Actually, alam ni Drew na sobrang bait, gusto ko nga ma-meet din ni Drew yung mga Korean stars.

“Kahit minsan dumaan siya sa set para ma-meet niya.”

Sa parte naman ni Iya, may pinagseselosan ba siya kay Drew?

“Wala, unless bigyan ng dahilan… siguro ako, sa mga motor niya!

“Selos-selosan, hindi babae, motor!

"Selos-selosan ako dun sa pagmo-motor niya!" natatawang sabi ng 31-year-old actress-TV host.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN