Elisse Joson initially "skeptical" to work with ex-boyfriend Jerome Ponce

IMAGE Noel Orsal

Though she found it "skeptical" at first, Elisse Joson said that she has no problem in working with ex-boyfriend Jerome Ponce in The Good Son. "Okay naman po kaming lahat, happy naman po siya, happy din naman po ako. So, I don't think there's a need to be parang awkward about it."


"Skeptical" daw si Elisse Joson, 21, nang malamang makakatrabaho niya ang ex-boyfriend na si Jerome Ponce, 22.

Inamin ito ng Kapamilya young actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bloggers' conference ng upcoming drama series na The Good Son, sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, Huwebes ng gabi, September 14.

Si Jerome ang pumalit sa role na para sana kay Elmo Magalona.

Saad ni Elisse, "Para sa akin, noong nalaman ko po yung news na may ganoon, at first, I was parang skeptical. Parang, 'Oh, talaga?'

"Pero after a while, sabi ko po sa sarili ko, since nandito kami sa iisang industriya, talagang magko-cross yung paths namin no matter what, so nire-ready ko lang po sarili ko.

"Sabi ko, wala namang masama, so okay lang."

Pero bakit siya nagkaroon ng alinlangan nang nalamang makakasama niya si Jerome sa teleserye?

Sagot ni Elisse, "Noong una po, siyempre prepared po ako sa unang casting.

"So, noong naiba, parang napaisip lang ako na naiba pala talaga.

"Pero something small lang na parang naiba lang pala."

Subalit paglilinaw ng dalaga, hindi problema sa kanyang makaeksena ang ex-boyfriend sa teleserye.

"Sa akin po kasi, wala naman pong problema, okay naman po kaming lahat.

"Happy naman po siya, happy din naman po ako.

"So, I don't think there's a need to be parang awkward about it.

"Being professional lang naman po, and bilang may napagsamahan.

"So, kilala na namin yung isa't isa. I guess, there's nothing wrong."

Tuwing nagkikita sila sa taping ay nagngingitian naman ang dalawa, subalit hindi pa talaga sila nagkakausap nang matagal.

Ayon kay Elisse, "Wala pa naman po kasi, hindi pa naman po kami dumadating sa eksena na kaming dalawa talaga. Hindi pa po.

"Pero sa set, okay lang po, casual, smile at each other.

"Pero magkahiwalay po kasi yung tent ng lalaki sa babae, so never nagkaroon ng chance na bonding or usap-usap, wala pa naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa The Good Son ay katambal ni Elisse ang kanyang loveteam partner na si Mccoy de Leon, habang si Jerome naman ay bahagi ng love triangle kasama sina Loisa Andalio at Joshua Garcia.

Subalit ayon kay Elisse, may nabasa siya sa script na maaari silang maging magkaeksena ni Jerome. Pero hindi pa ito nakukunan.

Posible rin daw magkaroon ng twist ang characters na ginagampanan nila sa teleserye.

PAST WITH JEROME. Noong 2016, sa loob ng Pinoy Big Brother house, ibinahagi ni Elisse na isa si Jerome sa nagbigay sa kanya ng heartbreak noon.

Nagkaroon ng problema ang kanilang relasyon noong gusto nang mag-focus ni Jerome sa kanyang showbiz career.

Noong mga panahong iyon ay bahagi ang binata ng daytime teleseryeng Be Careful With My Heart.

Ilang araw matapos ang confession ni Elisse, pumasok si Jerome sa loob ng Big Brother house para makipagbalikan kay Elisse.

Subalit mas ginusto ng Kapamilya actress na mag-move on at huwag nang makipagbalikan kay Jerome.

Sabi niya sa ex-boyfriend, "I'm okay now. I'm trying to make you understand that it's not the same before.

"Kung before ito nangyari, I would be happy.

"The thing is, it is different now. Things have changed. Wala na."


Stories We Are Tracking

Jerome Ponce reacts to Elisse-McCoy rumored romance
Jerome Ponce reacts to Elisse-McCoy rumored romance
What can Jerome say about ex-gf Elisse after PBB stint?
What can Jerome say about ex-gf Elisse after PBB stint?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN