Vic Sotto thankful for Pauleen Luna's no-complications pregnancy

IMAGE Noel Orsal

Expectant dad Vic Sotto awaits the day wife Pauleen Luna gives birth to their baby girl: "Medyo malikot na yung bata, e. Malaki siya, sipa siya nang sipa. Nararamdaman ko pagkadikit sa akin na ganyan. Ramdam ko, e."


Bukod sa MMFF entry niya para sa darating na Pasko, excited din daw si Vic Sotto sa pagsilang ng baby nila ng kanyang asawang si Pauleen Luna.

“I think it will be a happy and blessed Christmas for all of us,” pakli ni Vic nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng MMFF entry niyang Meant To Beh nung kamakalawa nang gabi.

Napangiti si Vic nang kinumusta namin ang paghihintay niya sa magiging baby nila ni Pauleen.

“Parang first time ulit, e.

“Nakalimutan ko na yung huli ko, that was about 26 years ago.

“So, this is a whole new experience for me.

“Nakakatuwa, very exciting!” tila kinikilig niyang pahayag.

ACTIVE AND KICKING. Mas naglilikot na raw ngayon ang baby.

Nararamdaman daw niya kapag nadidikit siya kay Pauleen.

“Medyo malikot na yung bata, e.

“Malaki siya, sipa siya nang sipa.

“Nararamdaman ko pagkadikit sa akin na ganyan. Ramdam ko e,” natatawa niyang kuwento.

May naisip na raw silang ipapangalan sa kanilang magiging baby girl, pero mas mabuting si Pauleen na lang daw ang mag-announce.

NO PREGNANCY DIFFICULTIES. Natutuwa lang daw siya dahil hindi naman daw hirap sa pagbubuntis ang asawa, at ni hindi pa raw nila napapag-usapang mag-leave si Pauleen sa Eat Bulaga.

“Hindi naman siya hirap e, which is fortunate for her na, una, hindi siya naglilihi na mga morning sickness, na hinahanap na ganito.

“Mas marami lang siyang… kunwari pagdating sa food, mas marami lang siyang ayaw kesa dun sa hinahanap, like yung amoy na ganito.

“But, aside from that, wala naman siyang hirap,” saad nito.

Kaya excited na raw ang buong pamilya, lalo na raw ang mga nasa side ni Pauleen, dahil first apo ito at first great grandchild.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN