Bela Padilla has no qualms about working with ex-boyfriend Neil Arce

IMAGE Mark Atienza

Bela Padilla on working with ex-boyfriend Neil Arce on the Piolo Pascual-Toni Gonzaga movie Last Night: "You already lost something, why lose more? This is a work opportunity na we both can grow from."


Bagamat tapos na ang kanilang relasyon, patuloy pa ring nagkakatrabaho ang dating magkasintahang sina Bela Padilla at Neil Arce.

Katulad na lamang sa bagong pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ang Last Night, kung saan si Bela ang scriptwriter at si Neil naman ang isa sa mga producers.

Kaugnay nito, dumalo sina Bela at Neil sa digital conference na inihanda ng Star Cinema para sa nasabing pelikula kahapon, September 17.

Ayon kay Neil, walang dahilan para hindi ituloy ang pagsasapelikula ng istoryang isinulat ng kanyang ex-girlfriend, na nabuo sa isang pag-uusap nila dalawang taon na ang nakalilipas.

“The story is too good. Trabaho lang, everybody was professional.

“Kumbaga, nagkatugma lahat ng stars—nagustuhan ni Piolo, si Tin [Toni] available na...

“Talagang naaayon itong project na 'to na ipalabas ngayon.

"Kasi, dapat last year 'to ipapalabas.”

Diin pa ni Neil, “Actually, there is no way I'm gonna let go of this project.

"Kung hindi gagawin ng Star [Cinema] 'to, I will do it myself, or I will offer it to another.

“But Star didn't want to let go of this project din.

“Talagang sinabi nila sa akin na, 'Gagawin natin 'tong project na 'to.'

“They were true to their word. Tapos, siyempre, sumama na ang Spring Films.

“Yung ganitong project kasi, mahirap kapag pinilit.

“Noong una kasi, pinipilit namin siyang mangyari, pero hindi talaga siya nangyayari.

“Bigla na lang everything fell on our laps.

"Biglang okay, available na lahat, okay na, talagang breezy na lahat.”

CO-WORKERS. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bela, isinama niya si Neil sa dapat i-credit sa istoryang nabuo para sa Last Night.

Saad ng 26-year-old actress, “Share kami ni Neil, lagi namang ganun ang process namin.

“Hindi naman kami yung nagsosolo ng project.

"At saka mas nagwu-work kapag... di ba, ganun, mas nagwo-work kapag may kabatuhan ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, for me, siya kasi ang lagi kong kabatuhan kapag may konsepto.”

Katulad ni Neil, na may-ari ng N2 Productions, wala ring problema si Bela sa pakikipagtrabaho kay Neil kahit naghiwalay na sila.

Paliwanag ng Kapamilya actress, “I guess, I'm very fortunate because he is also a very mature person.

“I guess you have to prioritize what's important in your life.

“You already lost something, why lose more?

“This is a work opportunity na we both can grow from.

“Parang yun, I guess, we decided to choose to work together para mag-work 'to, kasi sayang yung concept nga.

“In-approve na rin naman nila, tapos bigla kang magba-back out. It's an opportunity na rin.

“Hindi rin naman kasi kami bad breakup.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

NOT THE LAST TIME. Sigurado raw na hindi ito ang huling pagkakataong magkakatrabaho ang dating magkasintahan dahil nang mag-pitch sila ng mga istorya sa Star Cinema, hindi lang isa ang kanilang isinumite.

Sa katunayan, ayon sa Star Cinema executive na si Mico del Rosario, aprubado ang walong istoryang ipinasa nina Neil at Bela.

Kung sakali, ayon kay Bela, “Baka mayroon siyang idi-delegate na ako na lang muna or magdi-decide siya na lang muna.

“Ako kasi, I don't mind, wala naman akong problema sa kanya."

Samantala, nilinaw ng aktres na ang istorya ng Last Night ay hindi patungkol sa naging relasyon nila ni Neil.

“This is very far from everything I've heard, e.

“Like what Direk Joyce said, I'm excited for you to experience it.

“This is everything. It's not just you're gonna watch it.

“The soundtrack is amazing, visuals are amazing, may feels ka.

“Parang it's a totally different experience nga from everything.”

Ang tinutukoy ni Bela na direktor ay si Joyce Bernal, isa sa mga nagmamay-ari ng Spring Films na isa ring producer ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN