Piolo Pascual reveals battle with depression and how he overcame it

IMAGE Mark Atienza

Piolo Pascual's advice to people who experience depression: "You know, kung depressed ka na, desperado ka or you live in a dark moment, you have to pick yourself up and you have to get out of that pen for you to become willing to live again."


Naging tampulan ng biruan ang umano'y pagiging seryoso ni Piolo Pascual sa karakter na ginagampanan niya sa pelikulang Last Night.

Sa ginanap na digital conference ng pelikula kahapon, September 17, ibinisto ni Toni Gonzaga ang kapareha niya dahil sa matinding pag-i-internalize daw ni Piolo sa role nito bilang Mark.

“Si PJ [palayaw ni Piolo], padating pa lang ako sa set, nandun na ang emotion niya.

“Kadarating ko pa lang, bababa pa lang ako ng van, nandun na si PJ, nandun na si Mark, e.

“Nagko-concealer pa lang ako, 'Uy, si PJ si Mark na, ang bilis!'

“Super in character siya dito. Nandun na siya, ang dilim na ng aura niya,” sarkastikong lahad ni Toni.

Sobrang natatawa naman si Piolo habang nagkukuwento si Toni.

Pagkatapos ay sinabi niya bilang depensa, “Mahirap kasi talaga siya, e.”

Para sa pelikula, kinailangan din daw ni Piolo mag-interview para may character reference siya.

“Sobrang ang lalim ng pinanggagalingan niya,” paglalarawan ng 40-year-old actor sa karakter ni Mark, na nakararanas ng matinding depression.

“It was a constant struggle all the way in this film. With Tin [Toni], it was such a breeze.

“Kasi, the way Direk Joyce [Bernal] explained it to us, mahirap siya kung sa mahirap.

“Pero once you get the intention of the characters in the story, mas madali na siyang gawin.

“Yung sa characters namin ni Tin, hindi kami nag-motivate sa isa't isa.

“We just knew how to connect. Kaming dalawa, connected talaga kami, nakinig lang kami kay Joyce.”

Toni Gonzaga about Last Night: "It's a complicated love story." #LASTNIGHTDigitalConference

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

EXPERIENCE WITH DEPRESSION. Bagamat naabot na ni Piolo ang kasikatan, nakaranas din daw siya ng matinding depression sa buhay.

Hindi tinukoy ng aktor kung kailan ito nangyari. Ngunit ibinahagi ng aktor kung ano ang ginawa niya para malagpasan ito.

Saad niya, “Wala kang choice.

“Habang humihinga ka, kailangang bigyan mo ang sarili mo ng reason kung bakit kailangang mabuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro when you're pushed off the edge, iisipin mo talaga what really matters in your life.”

Para sa mga taong makararanas nito, payo ni Piolo, “Kailangan mo lang talaga makahanap ng magandang rason kung bakit gusto mong mabuhay.

“Yun nga, maraming bagay sa mundo na puwede nating pagkapitan, pero kailangan may hope ka, kailangan positive ka.

“Otherwise, you're going downward spiral.”

Diin pa niya sa huli, “You know, kung depressed ka na, desperado ka or you live in a dark moment, you have to pick yourself up and you have to get out of that pen for you to become willing to live again.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN