Marco Gumabao claims Star Magic withdrew his Star Magic Ball invitation

IMAGE Noel Orsal

Marco Gumabao on Star Magic Ball invitation: "Invited dapat ako sa Star Magic Ball. Ewan ko, the day after nung interviews at contract signing sa Viva Artists Agency, binawi yung invitation ko."


Naiintindihan daw ni Marco Gumabao nang bawiin ang imbitasyon niya sa Star Magic Ball, ang much-anticipated grand event ng talent management arm ng ABS-CBN.

Isang annual glamorous event, magaganap ito ngayong taon sa September 30, Sabado, sa Makati Shangri-La Hotel.

Ikinuwento ni Marco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na, bago siya pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) noong September 4, invited siya sa Star Magic Ball.

Kaya ikinagulat daw niya nang bawiin ang imbitasyon.

Lahad niya, “Invited dapat ako sa Star Magic Ball.

“Ewan ko, the day after nung interviews at contract signing sa Viva Artists Agency, binawi yung invitation ko.

“Sabi noon nung handler ko sa Star Magic, ‘O sige, kahit Viva ka na, invited ka pa rin.’

“The next day, binawi. Baka may nabasa sila.”

Pero diin ni Marco, “I understand naman.”

Sa panayam ng PEP kay Marco noong September 4, sinabi niya, “Nag-transfer ako from Star Magic kasi, feeling ko, baka mas ma-push.

“Hindi ko sinasabi na hindi kayang ibigay yun ng Star Magic, pero ang hirap kasi, ang dami naming lalaki doon.

“Unang-una, nandiyan si DJ [Daniel Padilla], Enrique Gil, silang dalawa.

“After that, may mga galing sa PBB [Pinoy Big Brother].

“So, ang hirap na kahit kaya mo nang ipakita, in terms of acting, kung hindi pa talaga nila mabibigyan, mahirap talaga.”

Dagdag pa niya, “Hindi na ako bumabata, patanda na ako nang patanda, so I want to strike while the iron is hot.

“I’d been with Star Magic for four years and, I think, puwede na akong mag-try ng iba.”

Gaganap si Marco bilang third wheel sa love team nina Nadine Lustre at James Reid sa bagong pelikula ng Viva Films na kukunan sa Ilocos Sur.

Magsisimula ang shooting sa September 23.


Stories We Are Tracking

Marco Gumabao leaves Star Magic after four years
Marco Gumabao leaves Star Magic after four years


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN