Vilma Santos still adjusting to her work as congresswoman

IMAGE Rommel Llanes

Ayon sa Star for All Seasons na si Congresswoman Vilma Santos, nasa adjustment period pa siya bilang isang mambabatas sa House of Representatives. Isang isyung klinaro niya ay ang hindi niya pagboto noong araw na ang budget ng CHR ang nakasalang.


Inamin ni Batangas Sixth District Representative Vilma Santos-Recto na nasa adjustment period pa siya bilang isang mambabatas.

Mula kasi sa pagiging mayor ng Lipa City sa loob ng siyam na taon at siyam na taon din bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas, napunta naman siya ngayon sa legislative branch ng gobyerno.

Pero ipinagpapasalamat ni Vilma na nasa tabi niya palagi ang kanyang mister na si Senator Ralph Recto.

Saad niya, “Luckily, I have a very good mentor, my husband. Legislative si Ralph, e.

"Napapaliwanag niya sa akin na parang tutor talaga, hanggang 4 A.M.. 'Ganito ‘yan, ganito yun...' Karagdagang kaalaman talaga."

Bilang isang kongresista, napagtanto raw ni Vilma na kailangan niyang makipag-compromise sa pagsusulong ng batas.

Saad niya, “Hindi naman palagi kang self-righteous palagi, na lagi kang tama, hindi naman puwede yun.

"Meron ding sinasabi na ito ang mas pakikinabangan ng kabuuan, then fine, wala namang problema.

“Like, I voted for martial law in Mindanao.

"This is also support sa mga men in uniform, sa mga Muslims.

"Kailangan ma-contain sa Mindanao... I’m talking about Mindanao, hindi lang Marawi, ha, ma-contain sa buong Mindanao yung isyu ng terrorism.

“Kailangan nila yun, kasi if they don’t have that power, hindi mo maku-contain yun. That’s why I voted for that."

Patuloy ni Vilma, “So, yun lang mga medyo significant na medyo natatapat lang sa prinsipyo mo.

"Pero the rest... hindi naman ako kumakalaban ng gobyerno. We're here to support the government.

“I’m not here to fight the government.”

Ang tinutukoy ni Vilma ay ang pagboto niya laban sa Death Penalty Bill, na gustong ipasa ng mga kongresistang pro-Duterte. Bilang kabayaran, natanggalan siya ng committee chairmanship.

Pero masaya pa rin daw siya, na kahit neophyte congresswoman pa lamang, nabigyan na siya ng committee chairmanship ng majority.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star for All Seasons sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa, noong Martes ng hapon, September 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginawaran siya bilang THE PEP LIST Year 4 Editors' Choice Female Movie Star of the Year para sa pelikulang Everything About Her.


Stories We Are Tracking

THE PEP LIST: Vilma Santos wins Movie Star of the Year
THE PEP LIST: Vilma Santos wins Movie Star of the Year

CHR BUDGET. Isa pang isyu na hindi nakiayon si Vilma sa nakararaming mambabatas ay ang proposed P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) sa 2018.

Ito ang naging panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pahayag niya, “Alam naman natin kung ano ang sitwasyon ng CHR. 

"Personally, I believe sa eksperiyensiya ko, [CHR] is the only agency na nagpuprotekta sa karapatan ng tao. You get me?"

"Giving them P1,000 budget, I mean, hindi naman tama. Hindi na totoo ‘yan."

Ngunit nabahiran ng kontrobersiya ang posisyon na ito ni Vilma dahil kumalat sa social media na isa diumano siya sa 119 na mambabatas na pumabor.

Nagulat daw ang actress-politician nang tinawagan siya ng anak na si Luis Manzano upang kumpirmahin ang balitang bumoto raw siya pabor sa proposed P1,000 budget para sa CHR.

Lahad ni Vilma, “Because I wasn’t able to go to work on that particular day, sabi niya, ang daming nagtatanong sa social media about dun sa CHR.

“I wasn’t there, but my chief of staff was there...

"Incidentally, may kumakalat pa pala na fake news na I’m very proud of my vote.

"E, hindi nga ako bumoto. Wala nga ako dun, considered akong absent.

"So, sabi ko, ‘Anak, through you, ilabas mo ito.’ 

"So, naglabas ako ng statement, that I’m against it.

"And, at the same time, I was telling them na merong… may duty ang mga ‘yan to perform as a constitutional mandate.

“And then, at the same time, the only agency na alam kong magprotekta sa karapatang pangtao.

"Actually, they need resources, more resources—it’s not the P1,000 thing.”

Bakit nataon namang sick leave ang congresswoman noong botohan?

Ipinaliwanag ni Vilma na noong araw ng botohan ng budget, wala silang abisong nasa agenda ang budget ng CHR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag budget deliberations, na madalas umaabot ng maraming sessions, technically kahit anong isyu patukoy sa budget ay maaaring isalang.

Ngunit kalakaran din na, bilang kurtesiya sa mga mambabatas, inaabisuhan sila ng mga items sa agenda.

Sa pagkakataong ito, walang nangyaring abiso. Maraming mambabatas ay wala sa kongreso.

Sa huli, maraming mamamayan ang nagalit sa inaprubahan ng House of Representatives na P1000 budget ng CHR.

Kahapon, September 20, ibinalik na ng House of Representatives sa CHR ang proposed budget nitong P649.48 million.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN