Marlou Arizala reacts to leak of his alleged post-op photos

Marlou Arizala calls out a netizen who allegedly posted his post-op photo: "Content Maker ako kaya Gusto ko itago ang Mukako para may pang pa Viral ako." 

 


Kumakalat ngayon sa social media ang diumano'y “new look” ni Marlou Arizala, na tinatawag na ngayon ang sarili bilang Xander Ford.

Dalawang larawan ni Marlou, na tila nakikipag-video chat sa isang kakilala, ang makikita sa ilang social media posts.

Kung ito nga si Marlou, mapapansin ang malaking pagbabago sa ilong at baba niya.



Sa kabila ng pagiging viral ng mga larawang ito, mariing pinabulaanan ni Marlou na siya ang nasa larawan.

Nag-post pa siya ng video ng “actual face” daw niya, at kitang may mga benda pa sa bahagi ng ilong at baba niya.

Ayon kay Marlou, two months pa ang itatagal ng “healing” ng kanyang mukha pagkatapos sumailalim sa cosmetic surgery.

Sa sumunod naman niyang post, ibinahagi ni Marlou ang screenshot ng isang comment, kung saan ipinaliwanag ang maaaring maging epekto ng viral photos.

Sa isang bahagi ng comment ng isang Kevin Fontillar, nagbanta siya sa nagpakalat ng larawan umano ni Marlou.

Aniya, “Dami mong sinira hindi lang po yung kaaway o yung inaaway mong si Xander Ford kasi yung ABS-CBN, Rated K (management ng rated K, lalong lalo na yung mga researchers about the surgery of this guy... I'm referring Xander Ford) and yung mga taong nag-aantay kung ano ang magiging resulta ng operasyon nya eh nawala na ng amor kasi nga kumalat nasa sa social media.

“E di pwede ka tuloy kasuhan ng Rated K nyan lalo kung nagbayad sila kay Xander Ford or should I say sa management nito na i-air sila sa TV di ba? Tss.”

Sa post na ito, nagpasalamat si Marlou sa nagkomento.

Ang transformation ng dating miyembro ng all-male group na Hasht 5 ay unti-unting ipinakikita sa weekly lifestyle show ng ABS-CBN na Rated K.

Sumailalim sa cosmetic surgery si Marlou sa Marikina Doctors Hospital and Medical Center noong September 4.

REAL OR FAKE? Dahil sa pagpapasalamat ni Marlou sa nagkomento, tanong tuloy ng isang netizen: “So, ibig sabihin yung nga yung mukha ni marlou este ni xander na kumakalat?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga sumunod na post ni Marlou, mapapansing may tila may inaaway siyang isang kakilala na may pangalang “Tinker Bel bel.”

Sa isang post, sinabi pa ng social-media personality, “Content Maker ako kaya Gusto ko itago ang Mukako para may pang pa Viral ako.”

Sa sumunod na post, tila galit na sinabi ni Marlou: “Respeto sa Trabaho ko Tinker Bel bel. Content maker kaden. mag isip kamuna. kung tama ba yung mga pinag popost mo.”

Sabi pa ni Marlou sa kanyang followers: “Wala na Pong Rated K na Matutuloy sa akin at wala ng Xander ford na aabangan Wala na ring Marlou. Gets Bye. Last post kuna ito. Godbless to all.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN