Hashtags member Jon Lucas deeply mourns passing of his mother

IMAGE Courtesy: @hashtag_donjon on Instagram

Labis ang hinagpis ng Hastags member na si Jon Lucas sa pagpanaw ng kanyang inang si Jean ngayong araw ng Biyernes, September 22. 


Bumuhos ang pakikiramay sa Instagram account ng Hashtags member na si Jon Lucas dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Jean Lucas, ngayong Biyernes, September 22.

Wala pang ibinabahaging detalye si Jon tungkol sa pagkamatay ng ina, ngunit inihayag niya ang labis na kalungkutan sa kanyang Instagram post ngayong araw.

Ayon sa Hashtags member, ang ina ang pinakamagandang regalo sa kanya ng Maykapal.

Ito rin daw ang nagsilbi niyang inspirasyon sa trabaho, kaya nagsisipag siyang mabuti upang balang-araw ay mapagawan niya ito ng pinapangarap na bahay.

Sabi pa ni Jon, ang ina ang pinakamahalagang babae sa kanyang buhay, kaya naman labis ang kanyang hinagpis nang iwan sila nito.

Narito ang buong post ni Jon:

"Alam mo, napakaganda mo po.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ikaw binigay niya sakin, nagpapasalamat ako sa Ama kasi yung nanay na pinagkaloob niya sakin napakabuti ng puso, napakasarap magmahal.

"Marunong umintindi, marunong umunawa, higit sa lahat hindi marunong mang-iwan.

"ero ngayon iniwan mo na ako, iniwan mo na kami ng daddy at kapatid ko.. alam kong hindi mo gustong iwan kami pero kalooban na to ng Diyos.

"Mommy kailangan ka pa namin eh, kailangan ka pa po ng maraming tao. Kailangan ka pa ng mga nangangailangan.

"ikaw kasi yung taong kahit walang wala na handa magbigay sa iba makapagpasaya lang kahit ikaw na yung malungkot.. problema ng iba pinoproblema mo pa po.

"Ang sakit sakit mommy ko. sobrang bigat kasi eto yung pinaka kinakatakot ko. hindi pa rin ako makapaniwala.

"kung alam ko lang na ganto mangyayare, sana pala di na ako umalis sa tabi mo, sana pala araw araw kitang pinasaya at pinasyal sa gusto mong lugar, kaso kailangan ko rin magtrabaho kasi para sayo to eh!!

"Kasi may pangarap ako para sayo. kung minsan di kita nabibigyan, tinitipid ko lang kasi gusto ko mas malaki maibigay ko sayo! Gusto ko bahay mo. gusto ko makita ka na nakaupo sa bahay na pangarap ko para sayo, kaya ako nagsusumikap hindi para sakin, kundi para sainyo nila daddy at Ck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahal na mahal kita mommy ko. wala ng tatawag sakin ng BABY BOY sa harap ng maraming tao, na hindi ako mahihiya kasi proud ako na baby boy ako ng isang nanay na katulad mo.

"salamat sa pagiging matatag mo, sa pagiging matapang mo para samin/sakin. Kitang kita ko paano mo tiniis lahat ng hirap. maramdaman lang namin na okay ka!

"Kahit noon pa alam kong di ka na okay pero paulit ulit mo sinasabi samin na di mo kami iiwan magkapatid kasi di pa maayos buhay namin.

"Hindi pa ako nakakabawi sayo sa totoo lang. iyak nang iyak kapatid ko kasi di mo siya hinintay makagraduate.

"Mommy sana andito ka pa, sana may maghahanda pa ng Itlog at pandesal sakin palagi pagkatapos ko sumamba sa Ama.

"Mahal na mahal kita... sobrang bigat na! Sobrang sikip na ng dibdib ko, sobrang sakit na ng ulo ko kakaiyak.

"MAHAL NA MAHAL KITA!!!!! IKAW PINAKAMAHALAGANG BABAE SAKIN, SALAMAT!"

Alam mo, napakaganda mo po. Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ikaw binigay niya sakin, nagpapasalamat ako sa Ama kasi yung nanay na pinagkaloob niya sakin napakabuti ng puso, napakasarap magmahal. Marunong umintindi, marunong umunawa, higit sa lahat hindi marunong mang-iwan, pero ngayon iniwan mo na ako, iniwan mo na kami ng daddy at kapatid ko.. alam kong hindi mo gustong iwan kami pero kalooban na to ng Diyos. Mommy kailangan ka pa namin eh, kailangan ka pa po ng maraming tao. Kailangan ka pa ng mga nangangailangan, ikaw kasi yung taong kahit walang wala na handa magbigay sa iba makapagpasaya lang kahit ikaw na yung malungkot.. problema ng iba pinoproblema mo pa po. Ang sakit sakit mommy ko :(( sobrang bigat kasi eto yung pinaka kinakatakot ko :( hindi pa rin ako makapaniwala.. kung alam ko lang na ganto mangyayare, sana pala di na ako umalis sa tabi mo, sana pala araw araw kitang pinasaya at pinasyal sa gusto mong lugar, kaso kailangan ko rin magtrabaho kasi para sayo to eh!! Kasi may pangarap ako para sayo :( kung minsan di kita nabibigyan, tinitipid ko lang kasi gusto ko mas malaki maibigay ko sayo! Gusto ko bahay mo :( gusto ko makita ka na nakaupo sa bahay na pangarap ko para sayo, kaya ako nagsusumikap hindi para sakin, kundi para sainyo nila daddy at Ck :((( Mahal na mahal kita mommy ko :( wala ng tatawag sakin ng BABY BOY sa harap ng maraming tao, na hindi ako mahihiya kasi proud ako na baby boy ako ng isang nanay na katulad mo, salamat sa pagiging matatag mo, sa pagiging matapang mo para samin/sakin. Kitang kita ko paano mo tiniis lahat ng hirap :( maramdaman lang namin na okay ka! Kahit noon pa alam kong di ka na okay pero paulit ulit mo sinasabi samin na di mo kami iiwan magkapatid kasi di pa maayos buhay namin, Hindi pa ako nakakabawi sayo sa totoo lang :( iyak nang iyak kapatid ko kasi di mo siya hinintay makagraduate :(( Mommy sana andito ka pa, sana may maghahanda pa ng Itlog at pandesal sakin palagi pagkatapos ko sumamba sa Ama.. Mahal na mahal kita :(((((( sobrang bigat na! Sobrang sikip na ng dibdib ko, sobrang sakit na ng ulo ko kakaiyak.. MAHAL NA MAHAL KITA!!!!! IKAW PINAKAMAHALAGANG BABAE SAKIN, SALAMAT!

A post shared by THE DON LUCAS (@hashtag_donjon) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN