Luis Manzano on his rule in dealing with bashers: "Magbasagan tayo ng mukha!"

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano explains why he answers bashers: "Ang sa akin is, pag tahimik ka lang, sanay yung mga tao. Pag kunwari ba may nakikita kang abuso na nangyayari sa government, tatahimik ka lang ba dahil, 'Hindi, normal naman 'yan nowadays'? Hindi! Di ba?"


“Don’t take shit from anyone!”

Ito raw ang natutunan ni Luis Manzano mula sa kanyang ama na si Edu Manzano pagdating sa madalas niyang pagpatol sa bashers.

“Oo naman, oo naman! Iumpog ko pa sila sa pader, e!” sabi pa ng Kapamilya TV host-actor tungkol sa mga namba-bash sa kanya,

Paliwanag ni Luis tungkol dito, “Sabi ko, you can only go so far from being a victim.

“Kasi pag tahimik ka lang... Eto yung point ko, I understand naman the other side.

“Na pag tahimik ka lang, okay, dadaan [lilipas] din ‘yan.

“Pero ang sa akin is, pag tahimik ka lang, sanay yung mga tao.

“Pag kunwari ba may nakikita kang abuso na nangyayari sa government, tatahimik ka lang ba dahil, ‘Hindi, normal naman ‘yan nowadays’?

“Hindi! Di ba?

“Kung nanahimik naman ako, wala akong inaagrabyado, titirahin mo ako, e, di mas yayariin kita!

“Para matuto ka! Iyon ang sa akin, e!”

FAKE STORY. Pagpapatuloy ng 36-year-old TV-and-movie personality, “Naalala ko nga yung issue na... naalala niyo ba, matagal-tagal na yun, na meron akong waiter na binastos daw?

“Sabi ko, dun ko napatunayan na sa industriya, or in general, in life, hindi totoo yung saying na, ‘Where there’s smoke, there’s fire.’

“Hindi totoo yun! Yung sinasabi natin, hindi lalabas ang isyu kung walang katotohanan.

“Di ba? Ng kahit anong bahid ng katotohanan.

“Dun ko napatunayan na it’s not true.”

Patuloy ng anak nina Edu at Batangas Representative Vilma Santos-Recto, “Kasi, unang-una, di ba, yung isyu na yun, yung kumain daw kami ni Billy [Crawford] sa isang steak house, tapos mali yung pagkakaluto nung steak, nagwala daw ako.

“Sinabi ko pa daw na, ‘Ipapasara ko ito! Hindi niyo ba ako kilala? Powerful ang magulang ko!’

“Tapos, dinuraan ko pa daw yung sapatos niya.”

Sabi pa ni Luis, “Unang-una, kailan kami kumain ni Billy’ng dalawa?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Instagram post ng isang basher daw lumabas ang naturang paratang kay Luis.

“Ang haba! Kahit ako, kunwari outsider, mabasa ko, yung amount ng details, parang totoo! 

“Yung akala mo MMK [Maalaala Mo Kaya] na nagpadala ng sulat! Ang haba!

“So, sabi ko, dun ko napatunayan na hindi totoo yung ‘where there’s smoke, there’s fire.’

“Minsan talaga, there’s smoke na walang… and, unfortunately, ang daming naniwala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa early dinner bonding niya kasama ang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC), sa Shakey’s Paseo de Magallanes, Makati City, kahapon, September 21.

TAKE THAT CHALLENGE. Ano ang pamba-bash na nasaktan o nagalit nang husto si Luis?

Tugon niya, “Actually, anything to do with my family.

“Although, at the same time… hindi naman ako nasasaktan.

“Sabi ko, ‘Ah, ganun, ha?! O, tara, ano tayo!’

“Eto yung last, nagme-message nga ako sa kanya, dine-deny nga naman niya.

“Yung sabi niya na, ‘Ah, kayo ng daddy mo, ano kayo, bakla kayong dalawa! Ganyan-ganyan. Grabe kayo! Hahaha! Bakla kayo!’

“Ni-research ko, pagtingin ko, ang pina-follow niyang account, power bottom!

“Sabi ko, ‘Parang gago ang put*ng inang ‘to!’

“Tsaka hinahamon ko yun ng suntukan! Sabi ko, ‘Tara!’

“Eto yung rule ko naman. Sabi ko sa mga… twice or thrice ko na ‘tong ginagawa.

“Pag may basher, lalo na pag lalaki, sabi ko ganito, ‘Magkita tayo, magsuntukan tayo! Pero etong rule natin, magbabasagan tayo ng mukha, isang kundisyon, walang puwedeng magsampa ng kaso!’

“Iyon lang yun! ‘Magbasagan tayo ng mukha!’

“Wala akong problema dun. Isang kundisyon lang, hindi puwedeng magsasampa ng kaso.

“Pero kami, bilang lalaki, intindi na namin ‘yan.

“Kahit matalo mo ako, kakamayan kita after. Kahit kumain pa tayo pagkatapos.

“Pag natalo kita, same thing, hindi ako mag-a-add insult to injury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag natalo kita, kakamayan kita, tara, gusto mo mag-usap pa tayo, kuwentuhan pa tayo after, inom tayo, okay lang.

“Pero yung basagan natin ng mukha, walang sampahan ng kaso.

“Iyon ang sa akin bilang lalaki, ‘Shake hands tayo, basagan tayo ng mukha!’

“Ganun ang boys, e, di ba? Pag natalo mo ako, by all means, respeto ko pa rin sa ‘yo ‘yan. Pag natalo kita, respeto ko sa ‘yo yun.

“E, wala, hindi naman nagpakita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN